PBA stars nag-abot ng tulong sa frontliners vs COVID-19 | Bandera

PBA stars nag-abot ng tulong sa frontliners vs COVID-19

Melvin Sarangay - , March 21, 2020 - 01:35 PM

HINDI lang mga sikat na artista at singers kundi may mga manlalaro o atleta rin na nagkakaloob ng kanilang tulong sa mga kababayan natin na apektado ng banta ng coronavirus (COVID-19).

At kabilang na dito ang mga Philippine Basketball Association (PBA) stars na sina Season 45 Rookie of the Year CJ Perez at 2018 All-Star Kiefer Ravena sa nagbigay ng kanilang tulong sa ating mga kababayan matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa buong Luzon sa enhanced community quarantine bunga ng COVID-19 pandemic.

Si Ravena, na nakuha ng NLEX Road Warriors sa PBA Draft noong 2017, ay namahagi ng mga packed meals sa mga frontliners sa Cainta, Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Thirdy.

Si Perez ay nagbigay naman ng P25,000 para sa mga PBA game-day personnel na hindi makapagtrabaho bunga ng pagtigil sa mga laro ng liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending