CHITO marami pang nakakalokang trip sa buhay; mahilig magkulong sa kwarto, hindi rin daw naliligo | Bandera

CHITO marami pang nakakalokang trip sa buhay; mahilig magkulong sa kwarto, hindi rin daw naliligo

Ambet Nabus - August 07, 2013 - 03:27 PM


MATAGAL na kaming may nababalitaan tungkol sa pagkakaroon umano ng kung anu-anong “trip” sa buhay ng lead vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Ilan sa mga ito ay ang mga seremonyas bago sila mag-show, ang pagkukulong maghapon sa room kapag nasa out of town, ang hindi pagligo after a performance at ang pakikipag-inuman sa mga natitipuhang fans.

In fact, mas grabe pa nga umano yung pagiging “feelingero” nito lalo na kapag may mga babaeng harapan kung magkagusto sa kanya. Kaya naman hindi na kami nagulat sa lumabas na sex video scandal nito with his girlfriend na si Neri Naig.

We saw some of the screenshots na parte ng seven-minute video scandal and then last Sunday before our DZMM show, somebody from our technical group showed the whole thing. Hindi nga nila maitatanggi na sila ang nasa video.

At mismong si Chito na rin ang umamin na sila nga ang mga iyon kasabay ng paghingi ng tawad sa kanilang mga pamilya at kaibigan. May nagnakaw daw sa hard drive ng kanyang computer na siya sigurong nagpakalat ng video.

Agarang dini-activate ni Neri ang kanyang Facebook account para siguro hindi na lumala ang iskandalo, pero nagmatapang pa rin si Chito at tila naghamon pa sa kanyang Instagram account.

Aniya sa nagkalat ng video, “Hindi ninyo kami matitinag.”Nakakalokang eksena na naman ang ganito dahil malinaw na mas kawawa ang babae sa mga ganitong usapin at ewan talaga namin kung bakit napapapayag silang malagay sa ganu’ng sitwasyon?

Sa dinami-dami na ng mga kagayang iskandalo, bakit tila hindi na nadadala ang mga babaeng ito.  At dahil mas aktibong celebrity si Chito, huwag niyang asahan na pareho pa rin ang magiging pagtingin sa kanya ng mga humahanga sa musika niya, at huwag na sana siyang maging maangas pa dahil ang dapat niyang gawin ay hanapin ang may kagagawan nito para maturuan ng leksiyon.

At dahil ipinangangalandakan din nilang sila’y nagmamahalan, puwes ngayon nila patunayan sa buong mundo kung bakit sila baliw sa pag-ibig kung kaya’t parang kaswal na kaswal lang ang pakikipag-sex sa kanila.

At ano naman kaya ang masi-sey ng mga women’s groups dito o ibang ahensya ng gobyerno kahit pa palabasin ng mga celebrities involved na “pribado” ang materyal at ngayo’y naibandera na nga sa publiko?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending