Vico no.1 sa Twitter, bumuwelta sa haters: Wala kaming panahong makipaglaban sa trolls | Bandera

Vico no.1 sa Twitter, bumuwelta sa haters: Wala kaming panahong makipaglaban sa trolls

Ervin Santiago - March 19, 2020 - 04:35 PM

TOP trending pa rin ngayon ang hashtag #ProtectVico sa Twitter Philippines matapos umingay ang pangalan ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa social media.

Ito’y dahil na rin sa mga ginagawa niyang effort para sa kanyang constituents sa gitna na ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa para hindi na kumalat ang coronavirus disease pandemic o COVID-19.

Maraming namba-bash at nang-ookray kay Vico pero mas marami pa rin ang pumuri at sumaludo sa kanyang pagtatrabaho sa Pasig City para masiguro ang kaligtasan at proteksiyon ng kanyang mga nasasakupan.

Hindi lang mga Pasigueño ang nagpapasalamat sa anak nina Coney Reyes at Vic Sotto kundi pati na ang mga residente ng ibang siyudad na gusto na ngang lumipat sa Pasig dahil feel na feel nila ang pagmamahal at sincere na pag-aalaga ng binata.

Apat na araw pa lang ang ipinatutupad na enhanced community quarantine pero napakarami nang nagawang aksiyon ni Mayor Vico. At dahil nga rito kaya nabuo ang hashtag #ProtectVico sa Twitter.

Kasabay nito ang pagdagsa ng comments na hindi malayong maabot ng binata ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Maraming netizens ang nag-post sa kanilang social media accounts ng “Vico for President.”

Ayon kay @jairagonzales, “Imagine no, si Vico Sotto ang next president of the Philippines. Ang ganda siguro mabuhay dito. Imagine lang naman.”

Sabi naman ni @_rodalene,  “Yes, mayor vico sotto for president.”

Comment ni @abbyghael03, “ANYWAY!!!! You know why we love him and strive to #ProtectVico right now??

“Because he is someone the Filipino NEEDS right now!!! Not because he’s good-looking, young, and smart (Okay, I have to stop). But because we need to see some HOPE!”

Samantala, nagsalita na rin si Vico laban sa mga bashers at haters na sa halip tumulong at magpakapositibo sa panahon ng krisis ay puro kanegahan ang inuuna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala po kaming panahon makipaglaban sa mga trolls at paninira. Lahat na lang gusto nilang gawing politika. We are just trying to do our best to SAVE LIVES.

“Alam n’yo naman po wala akong troll farm. Kayo na po bahalang tulungan ang Pasig para ‘di mabahala/malito ang mga Pasigueñoes sa mga trolls,” pahayag ng alkalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending