Pokwang napamura sa haters: Mga kampon ni Satanas! | Bandera

Pokwang napamura sa haters: Mga kampon ni Satanas!

Alex Brosas - March 19, 2020 - 09:44 AM
Napikon sa kanyang bashers si Pokwang matapos siyang laitin after she distributed food for the police force and health workers. Tinawag kasing papansin si Pokwang ng isang basher, bagay na ikinagalit niya. “Read this mga animal! Naiiyak ako sa galit sa inyo! Sa ganito pa talagang panahon? Ha? Sa ganitong panahon mga kampon ng bashers na Satanas? Ngayon pa talaga? Hindi ito ang tamang oras!” ani Pokwang sa caption. “Pumikit na lang kayo at manalangin! ‘Yan na lang sana maitulong niyo sa bayan natin.” That was Pokwang’s caption sa isang message niya which reads, “Damned if you do, damned if you don’t, sa mga nakukunsensiya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaa problema nyo na yan. Pumikit na lang kayo at manalangin. Yan na lang sana at manalangin. Yan na lang maitutulong ninyo sa bayan natin POTAH KAYO!” Bakit nga ba may mga bashers na ganito mag-isip? Ikaw na ‘yung tumulong ikaw pa iyong malalait. Iba rin talaga ang mentalidad ng mga tao ngayon, ‘no, parang  wala na silang katinuan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending