Co-stars ni Boyet sa 'Love Thy Woman' agad nagpa-check-up; pinayuhang mag-self quarantine | Bandera

Co-stars ni Boyet sa ‘Love Thy Woman’ agad nagpa-check-up; pinayuhang mag-self quarantine

- March 19, 2020 - 12:05 AM

PATULOY na dasal ang hiling ng pamilya ng veteran actor na si Christopher de Leon sa madlang pipol matapos mag-positibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Si Boyet, 63, ang kauna-unahang artista sa Pilipinas ang umamin sa publiko na meron siyang COVID-19. Sa pamamagitan ng Facebook at Instagram, ibinalita niya ang malungkot na balita kasabay ng panawagan na ipagdasal siya na malagpasan ang sakit na ito.

Marami naman ang pumuri sa ginawa ng aktor na agad isapubliko ang kanyang health condition para bigyang babala ang lahat ng taong nakasalamuha niya sa mga nakalipas na araw.

Marami ang nagsabi na baka raw sa taping ng teleserye niyang Love Thy Woman ng ABS-CBN niya nakuha ang virus, pero may mga naniniwala naman na baka sa ilang showbiz events na dinaluhan niya nitong mga nakaraang linggo.

Dahil dito, agad namang nagpatingin sa kani-kanilang doktor ang mga katrabaho ni Boyet sa Love Thy Woman kabilang na ang kanyang co-stars. At iisa lang umano ang payo sa kanila sa ngayon — ang sumailalim sa self-quarantine para maiwasan ang posibilidad na makahawa pa ng ibang tao.

Nabatid na nag-taping pa si Boyet at iba pang members ng cast para sa kanilang serye kamakailan bago pa ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila. Kaya naman agad na nagsagawa ang management ng contact tracing matapos aminin ni Boyet na positive siya sa virus.

Ilan sa mga kasama ng aktor sa serye ay sina Kim Chiu, Xian Lim, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Eula Valdes, Ruffa Gutierrez at Yam Concepcion. Wala pang official statement ang Kapamilya Network hinggil sa estado ng health condition ng mga ito.

Kahapon, nag-alala ang mga kapamilya at kaibigan ni Boyet nang mabalitaan ang kundisyon nito kasabay ng pagdarasal sa agad na paggaling nito.

Narito ang kabuuang pahayag ni Boyet: “To all my family and friends, especially in the entertainment business:

“Today, our doctor confirmed that I have COVID-19. I’ve had no recent travel history outside of the Philippines and no known contact with anyone who is positive to have the virus.

“However, due to the nature of my work in the entertainment business, I have interacted with many people. I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by the DOH, whether asymptomatic or not.

“Please cooperate with the authorities in their contact tracing efforts. My wife Sandy, daughter Mica & our kasambahay are in self quarantine at home.

“In this time of trial, we ask for your prayers and we continue to praise and thank the Lord for His goodness in our lives.

“Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you. ( 1Thessalonians 5:18)

“Stay safe & GOD bless !

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christopher de Leon.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending