Heart Evangelista nag-sorry matapos banatan ng netizens tungkol sa bone cancer patient
NAG-SORRY ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa lahat ng mga taong na-offend dahil sa ipinost niya sa Twitter tungkol sa bone cancer patient na naapektuhan ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Binanatan kasi ang misis ni Chiz Escudero ng ilang netizens dahil hindi nila nagustuhan ang nais nitong ipahiwatig tungkol sa pagsasakripisyo ng mga Pinoy para lang hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Nag-ugat ito sa kuwento ng bone cancer patient na si Cynthia Espiritu na napilitang maglakad mula sa Masinag hanggang Marcos Highway sa Marikina para lang makapunta sa PGH at makapagpa-checkup.
Ayon sa ilang nag-comment, sana raw ay mas maging maingat ang aktres sa pagpo-post nito sa social media lalo na ngayong mas tumitindi pa ang pagsasakripisyo ng publiko dahil sa virus.
Pahayag ni Heart, “I deleted all my previous tweets. I understand the hate. I should have elaborated on my sentiments more. I am sorry. So sorry…
“You may not see my heart and that’s okay. So, I just wanna say, I am truly sorry if I offended ‘you.’
“So sorry, I really am 🙁 This is driving me crazy. I am so sorry,” paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ng aktres.
Sa deleted tweet ni Heart, makikita ang reposted video ng GMA News kung saan ini-interview si Cynthia at ikinukuwento ang pinagdaanan niyang hirap bago makarating sa checkpoint.
Caption dito ni Heart, “Dearest Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive. God bless you and your friend.”
Ilang sandali lang ay nilinaw niya ito at sinabing, “I’m saying so many people are complaining at home while Cynthia is still trying to be very positive.
“Why are you hating so much? Guys, stop hating. Ang sama na ng mga nangyayari. Let’s try to lift each other.”
Isa lang si Heart sa mga celebrities na binatikos ng netizens dahil sa mga naging comments nila tungkol sa enhanced community quarantine. Nauna nang binanatan ng bashers si Lea Salonga dahil anti-poor daw ang kanyang naging pahayag.
Pinuri naman si Heart dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Comment ng isang netizen, “Love you, Miss Heart! Thanks for assessing yourself, too. But I totally got what you meant. I felt what you felt upon seeing Cynthia’s positive aura. You are loved, Love. Admitting to a minor (and unintentional and misunderstandood) mistake is what makes you humble. Love.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.