2 barangay sa QC isinailalim sa ‘heightened community quarantine’
ISASAILALIM sa “heightened community quarantine” ang dalawang barangay sa Quezon City matapos namang parehong makapagtala ng tig-tatlong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ng mga opisyal ng Quezon City isasara ang ilang kalsada simula alas-6 ng umaga bukas bilang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang sa isasailalim sa heightened community quarantine ay ang Barangay Kalusugan at Barangay Tandang Sora matapos na makapagtala ng tig-tatlong kaso ang dalawang lugar.
Idinagdag ng mga opisyal na kabilang sa mga isasara ay bahagi ng East Avenue – mula Elliptical Road up hanggang BIR Road, patungong Philippine Heart Center, National Kidney Transplant Institute, at East Avenue Medical Center.
Isasara rin ang E. Rodriguez – mula Trinity College up hanggang Broadway Avenue – kung saan matatagpuan ang St. Luke’s Medical Center (SLMC).
Nasa ilalim na ang SLMC ng “facility quarantine”.
Nasa ilalim din ng facility quarantine Quirino Memorial Medical Center (QMMC).
Base sa pinakahuling datos, umabot na sa 29 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Tatlo sa mga pasyente ang gumagaling na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.