DILG: Barangay execs na hindi magtatrabaho kakasuhan
NAGBABALA ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mananagot ang mga opisyal ng barangay na hindi magtatrabaho sa isinasagawang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na mahaharap sa kasong administratibo, partikular ng gross negligence of duty, gross negligence at insubordination ang mga opisyal na hindi gagampanan ang kanilang trabaho.
Samantala, ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa mga opisyal ng barangay na tiyakin na mananatili sa loob ng kanilang bahay ang residente.
“Ito pa ay Total Lockdown. Hindi po ito biro. Tiyakin ninyong hindi pagala-gala ang mga residente sa inyong lugar at walang mga pagtitipon-tipon for we are trying to lessen the movement of people to the barest minimum,” sabi ni Año.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.