Epal in the time of COVID-19 | Bandera

Epal in the time of COVID-19

Den Macaranas - March 18, 2020 - 12:15 AM

NAUDLOT ang maagang pamumulitika ng isang kongresista makaraang punahin ng mga netizen ang pagsakay niya sa isyu ng coronavirus disease o COVID-19.

Bakit nga naman hindi, namigay siya ng mga alcohol sa kanyang mga constituents pero tadtad naman ng pangalan at mukha niya ang lalagyan ng nasabing “essential commodity” na maituturing sa kasalukuyan.

Sinabi ng aking Cricket na nakahanda na sanang ipamigay ng kanyang mga tauhan ang ilang daang kahon ng alcohol pero ito ay kanyang ipina-hold muna.

Hinintay pa kasi ni Mr. Mambabatas na maimprenta ang ilang mga stickers na ilalagay sa bawat botelya ng alcohol.

Nang dumating ang mga stickers ay halos magdamag na nagtrabaho ang kanyang mga tauhan para lamang malagyan ng bagong tatak ang naturang mga produkto.

Maganda naman ang intensyon ni Sir pero mali naman na gamitin niya ito sa maagang pamumulitika lalo’t pondo ng gobyerno ang ginamit niya rito.

At isa pa, bakit kailangan gamitin ang mga gaya nitong sitwasyon para isulong ang pampersonal na interest? Booo!

At iyan ay sa kabila na ipinakikilala niyang mabuting alagad siya ng Diyos. Sinabi pa ng aking cricket na balak pa sana ni Sir na magpagawa ng mga face masks na may tatak ng kanyang pangalan pero nagpasyang ipagpaliban muna pansamantala.

Ito ay dahil na rin sa masamang feedback sa mga ipinamigay niyang alcohol.

Kilalang epal sa Kamara si Sir na nag-aambisyon rin na masungkit ang liderato ng lower house pero hanggang ngayon ay tila malabo pa sa sabaw ng pusit ang nasabing pangarap.

Ang mambabatas na ginawang plataporma sa maagang pamumulitika ang problema sa Covid-19 ay si Mr. A….as in Atras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending