NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang opisyal ng Department of Health (DOH).
Sa isang panayam sa dzMM, kinumpirma ni Health Undersecretary Rosette Vergeire na isang Director mula sa DOH Central Office ang nahawaaan.
“Mayroon po kaming isang kawani ng aming kagawaran na nagpositibo sa COVID-19. Ang kumakalat na impormasyon ay hindi po partially true, kasi po ang kumakalat ay isang director at isang undersecretary ang nagpositibo. Hindi po totoo iyon. Ang nagpositibo po ay director ng central office ng DOH,” sabi ni Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na kabilang na ang opisyal sa pinakahuling bilang ng apektado ng COVID-19 kung saan umabot na ito ng 187.
“The DOH official is currently in stable condition,” dagdag ni Vergeire.
Bukod sa 187 kabuuang ng COVID-19, umabot na sa 12 ang mga nasawi dahil sa deadly virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.