Zubiri nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

Zubiri nagpositibo sa COVID-19

Liza Soriano - March 16, 2020 - 07:55 PM

Miguel Zubiri

KINUMPIRMA ni Senator Juan Miguel Zubiri na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19)

“To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for Covid 19. “ sabi ni Zubiri.

Nauna nang nagdesisyon si Zubir na mag-self quarantine matapos na ma-exposed sa isang resource person na dumalo sa pagdinig ng Senado, na naunang nagpositibo sa deadly virus.

Sinabi ni Zubir na nagpasuri siya sa COVID-19 noong Biyernes at lumabas ngayong araw ang resulta kung saan kinumpirmang nahawaan siya.

Sinabi ni Zubiri na asymptomatic  siya o walang sintomas ng lagnat o pagsama ng pakiramdam.

“Kaya ako lumantad  at sinabi ko ang aking kondisyon upang  malaman ng taong bayan na positibo kahit wala namang nararamdaman,” dagdag ni Zubiri.

“Importante at huwag lapitan ang iyong pamilya at maging kasambahay. Sa ngayon ay paracetamol at vitamins lamang ang kailangan kung inumin. kaya natin eto at laban lang” ani Zubiri.

“Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala nang Gobyerno at wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all” dagdag pa ng senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending