Fans ni Alden may request sa GMA: bigyan uli ng serye | Bandera

Fans ni Alden may request sa GMA: bigyan uli ng serye

Cristy Fermin |March 15,2020
facebook
share this

Fans ni Alden may request sa GMA: bigyan uli ng serye

Cristy Fermin - March 15, 2020 - 12:35 AM

ALDEN RICHARDS

Nami-miss namin ang pagtutok sa seryeng si Alden Richards ang bida na tulad ng sa The Gift. Isa ‘yun sa iilang palabas na kinumpleto namin talaga ang pagtutok.

Hindi siya pinababayaan ng GMA 7, ang tulad niyang prized possession ng network ay dapat lang naman talagang inaalagaan, meron siyang hino-host na Centerstage ngayon.

Pero maraming kababayan natin ang hindi kuntento sa isang talent search lang para kay Alden, serye pa rin ang kanilang hinahanap, kinasasabikan nilang mapanood uli nang gabi-gabi ang Pambansang Bae.

Na totoo naman. Mas gusto rin naming may tinututukan kaming seryeng pinagbibidahan ng guwapong aktor. Iba pa rin ang gabi-gabi kesa sa minsan lang sa isang linggo.

Sa kabila ng kanyang tagumpay ay nananatiling humble si Alden, napakalaki talaga ng nagagawa ng magandang imahe para sa isang personalidad, mas minamahal ng publiko ang artistang may magandang ugali.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Si Alden kasi, palaging nakangiti. Milagro ang nagagawa ng pagiging pleasant, hindi naiilang ang publiko sa kanya dahil napaka-positive ng aura niya.

“One time, e, nakita namin siya sa isang mall, may promo siya, kahit sa malayuan, e, mapi-feel mo talaga ang pagiging positive niya.

“Kaya naman nilampasan na niya nang milya-milya ang mga kasabayan niya. But despite that, nakikita naman natin, wala pa rin siyang pagbabago, napaka-humble pa rin niya,” komento ng kaibigan naming propesor na bihirang pumuri sa mga artista.

Naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending