KC malalim ang hugot sa ‘utos’ ni Duterte: Paano na kung mag-isa ka lang?
DAHIL sa kanselado ang biyaheng panghipapawid at pangdagat dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi natuloy si KC Concepcion na umalis ng bansa para sa vlog at photo shoot niya sa Europe at Bangkok kaya ang ending nasa bahay lang siya.
Supposedly pagkatapos ng kasal nina Jay-R at Mica Javier-Sillona sa Boracay ay lilipad na paibang bansa ang dalaga.
Ayon sa handler ni KC na si Caress Caballero ng Cornerstone Management ay iniurong na ang mga schedule ng biyahe ng lahat ng talents nila na may mga trabaho sa ibang bansa dahil sa coronavirus.
Tinanong namin kung may kasama si KC sa bahay niya, “Actually meron naman birthmate. May nauutusan naman siyang bumili ng mga kailangan niya like food, groceries. May driver at PA (personal assistant) na matagal na sa kanya at trusted niya.”
Pero siyempre sa mga ganitong panahon ng may problema ang buong mundo ay dito mo maiisip na sana kasama moa ng pamilya mo.
Sa parte ni KC ay mag-isa lang siya sa buhay ngayon kaya medyo sentimental ang dalaga at naibahagi niya ito sa kanyang Instagram Story nitong Huwebes ng gabi pagkatapos mag-anunsiyo si Presidente Rodrigo Duterte ng Community Quarantine sa buong Metro Manila.
Ang pahayag ni KC, “For now, gusto ko lang i-share na kung kayo ay katulad ko na mag-isa sa bahay at walang kasama sa bahay, or hindi na nakatira sa parents niyo, or single kayo, wala kayong asawa, at wala sa tabi niyo ang boyfriend niyo, or wala kayong boyfriend or girlfriend ako din, mag-isa lang ako dito.”
Nagpasalamat ang dalaga sa modern technology ngayon dahil maski paano ay may update siya sa mga kaanak at gayun din sa kanya.
Aniya, “Na-touch talaga ako kanina dahil meron kaming group chat ng mga titos and titas ko sa mother side, na alam nila na mag-isa lang ako and they would tell me na, ‘Basta alam mo na nandito lang kami.”
Hindi naman lingid sa lahat na simula nu’ng mag-aral sa ibang bansa si KC ay namuhay na siyang mag-isa.
“Home away from home. Nasanay na akong tumira mag-isa since 18 ako, since nag-college ako. I know na maraming tao dito, who are like me, na napaka-independiyente at nagawa naman.
“Pero siyempre, sa mga panahon katulad ngayon, na ganito, yung lang Kung okay rin mag-isa o kung, di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap.
“Pero thank God talaga na may mga video calls na ngayon, may text, di ba? At least ngayon nalilibang ang mga sarili natin and may mga ways to entertain ourselves.
“I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may napi-feel kayo. My doctor told me don’t go to hospitals unnecessarily, because more than 90 percent of those infected recover. Just take this time to just pray and think about life.
“What is life na ba ito? Maybe it’s good for us to think about what really matters in life.
“Walang perfect, like what I’ve said before, pero sana maipakita natin sa isa’t isa ang pagmamahal natin. My way of showing that I care is letting you guys know you’re not alone. Actually gusto ko ngayon sabihin sa sarili ko, ‘You’re not alone,” pagtatapos ng singer-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.