COVID-19 sa PH umakyat na sa 52 | Bandera

COVID-19 sa PH umakyat na sa 52

- March 12, 2020 - 08:41 PM

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang tatlo pang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, dahilan para umakyat na ang kaso sa bansa sa 52.

Base sa datos ng DOH, pawang mga Pinoy ang tatlong bagong kaso.

Ang 50th na pasyente o “PH50” ay isang 69-anyoscna babae na nakitaan ng sintomas noong Marso 8.  Siya ay naka-confine sa The Medical City sa Ortigas, Pasig City.

Samantala, ang 51st na pasyente o “PH51” ay isang 26-anyos na nakitaan ng sintomas noong Pebrero 28. Na-admit siya sa Makati Medical Center.

“DOH, in coordination with concerned local government units, are already conducting extensive information-gathering and contact tracing activities on the new cases, sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

“We continually ask the public to cooperate and help us in the investigation and contact tracing activities. Individuals with a history of known exposure to a positive patient and/or travel to areas with local transmission, within and outside the country, presenting with mild symptoms are advised to self-isolate and be home quarantined for 14 days,” dagdag pa ni Duque.

“Those presenting severe and critical symptoms need to be immediately admitted to health facilities,” ayon pa kay Duque.

Ang patient number 52 o “PH52” ay isang 79-anyos na babae ay nagbiyahe kamakailan sa United Kingdom. Nagsimula siyang magpakita ng sintomas noong Marso 1 at naka-confine sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.  Inaalam pa ang tirahan ng pasyente.

Lumabas ang kanilang resulta Marso 11, ayon sa DOH.

Namatay ang patient number 35 noong Miyerkules. Ito ay 67-anyos na babae na naka-confine sa Manila Doctors Hospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending