'May karapatang maging role model ng kabataan si Matteo' | Bandera

‘May karapatang maging role model ng kabataan si Matteo’

Cristy Fermin - March 13, 2020 - 12:25 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Kung nagdadayalog ang mga mata ni Sarah Geronimo sa sobrang kaligayahan ngayon ay ganu’n din ang kay Matteo Guidicelli.

Dati nang makisig ang mister ni Sarah, pero mas nadadagdagan pa ngayon, si Matteo mismo ang madalas magsabi na ang pagpapakasal ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Nu’ng isang araw lang ay siya ang itinalagang Youth Ambassador ng National Youth Commission. Maraming dahilan kung bakit siya ang napili ng pamunuan.

Ang kanyang pagsisimula bilang isang atletang kailanman ay hindi nasangkot ang pangalan sa anumang isyu ng droga at kahit anong ilegal na gawain.

Ang matagumpay niyang pagkumpleto sa mga alituntunin bilang reserved officer ng militar. Ang kontribusyon niya sa pelikula at telebisyon bilang aktor.

Napakaraming dahilan para maging isang role model si Matteo. Natural lang na masayang-masaya ang kanyang misis sa bagong oportunidad na ito na dumating sa kanyang buhay.

Diretso ring sinagot ni Matteo sa pagtitipong ‘yun na wala naman talaga silang pinaplanong pagpapakasal sa Italy, “Wala naman talagang kasal sa Italy,” eksaktong sabi ng aktor habang nakangiti.

Ipinapalagay naman ng marami na baka dahil sa laganap na COVID-19 sa buong mundo ang dahilan kung saan ini-lockdown ang Norteng bahagi ng Italya kaya hindi muna sila magpapaksal sa bansa ng ama ni Matteo.

Anuman ang kanilang plano ay okey na para sa kanilang mga tagasuporta. Kasal na sila sa mata ng Diyos at ng tao.

Anak na lang ang hinihintay ng publiko mula kina Mr. and Mrs. Matteo Guidicelli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending