Hunk actor, female celeb tuloy ang panloloko sa publiko: relasyon pekeng-peke | Bandera

Hunk actor, female celeb tuloy ang panloloko sa publiko: relasyon pekeng-peke

Cristy Fermin |March 13,2020
facebook
share this

Hunk actor, female celeb tuloy ang panloloko sa publiko: relasyon pekeng-peke

Cristy Fermin - March 13, 2020 - 12:20 AM

PINAGPIPISTAHAN ngayon ang sinasabing relasyon ng isang young actress at ng isang hunk actor na kadalasan ay pinagtataasan ng kilay ng mas nakararami.

May mga naniniwala tungkol sa kanilang pagmamahalan pero mas marami ang kumukuwestiyon at hindi naniniwala. Pangharap lang kuno ng mga camera ang kanilang paglalambingan.

Matagal nang naba-blind item ang magkarelasyong ito, marami kasing nakakahalata na kapag may mga reporters sa paligid ay para silang suman at mangga sa katamisan, pero kapag silang dalawa na lang ang nandu’n ay halos hindi naman sila nag-uusap.

Kuwento ng aming source, “Saksi ako sa scenario na ‘yun! Nandu’n ako! Nang nandu’n pa ang mga reporters, e, may pahawak-hawak pa sa kamay ng girl ang hunk actor.

“May papahid-pahid pa siya ng pawis sa noo ng girl, pero nu’ng umalis na ang mga writers, e, nagkani-kanyang lugar na sila sa taping. Magkahiwalay na sila, hindi na nagpapansinan!

“May nakalimutan pa naman ang isang reporter, bumalik sa location, nakita niya na ni hindi nga nag-uusap ang kani-kanina lang, e, napaka-sweet sa isa’t isang magkarelasyon kuno!

“Sa totoo lang, sino naman kasi ang maniniwalang nagmamahalan sila kung ganu’n? Sweet lang sila kapag may mga nakatingin, pero kapag wala na, back to reality na sila, hindi nagpapansinan!” madiing chika ng aming source.

May mga napapaniwala rin naman sila dahil magkasama silang nagbabakasyon sa ibang bansa. Marami silang ipino-post na larawang masayang-masaya sila at sweet habang namamasyal.

Balik-chika ng aming impormante, “Bakit, hindi ba puwedeng magbakasyon nang magkasama ang magkaibigan lang? Natural, pinalalabas nilang may relasyon sila, pero marami nang nakakaalam na wala, wala, wala!

“Heto na! Nalagay sa alanganin ang buhay ng girl, nasaan ang knight in shining armor niya? Nagparamdam man lang ba? Nasyokot ang guy! Hindi man lang nagpakita ng concern sa girlfriend daw niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganu’n ba ang boyfriend, ni hindi man lang nagpakita ng katapangan sa naganap sa girlfriend kuno niya? Nalokah siguro siya sa pangyayari, sa totoo lang!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba ng clue? Jusko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending