2 kongresista malaki ang utang kaya pala nag-blackout sa Bicol | Bandera

2 kongresista malaki ang utang kaya pala nag-blackout sa Bicol

Leifbilly Begas - August 07, 2013 - 07:00 AM

ANG tatahimik ng mga kongresista mula sa Bicol region nang biglang magkaroon ng brownout sa Albay noong nakaraang linggo.

Hindi ko naman nilalahat, pero meron palang dalawang kongresista mula sa Bicol region na parang sinelyuhan ang mga bibig dahil sa pagtahimik, yun pala ay meron silang kasalanan kaya naputulan ng kuryente ang probinsya.
Itong dalawang kongresista na ito ay mayroong magkahiwalay na negosyo sa Albay.

Hindi biro ang puhunan sa kanilang mga negosyo dahil milyun-milyon piso ang halagang ginugol upang maitayo ito.
Ang problema, hindi sila nagbabayad ng kuryente. Sila pala ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapagbayad ng kinuhang suplay na kuryente ang Albay Electric Cooperative sa National Grid Corp.

Ang malupet, nahulihan ng jumper ng kuryente ang isa sa mga kompanya na tinutukoy natin. Milyun-milyon na ang hindi nabayarang kuryente, nagnakaw pa.
Ito namang si Cong., buwaya na nga ang tingin sa mga kongresista dahil sa masasamang balita ng korupsyon (nadadamay pati yung mga hindi naman corrupt) dinagdagan mo pa.

Sana ay makuryente ang dalawang kongresistang ito, para sila ay magising-gising sa kanilang ginagawa.

Mukhang may punto naman si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez nung sabihin niya na huwag puro pork barrel ng mga mambabatas ang tingnan.

Mas malaki umano ang pork barrel sa Malacanang at ito ang hindi natututukan ng kamera ng media.
Baka may alam ka Cong, i-share mo naman.

Meron umanong pagbabago sa mga coffee shop sa Kamara mula ng pumutok ang isyu ng pagbibigay umano ng pork barrel ng mga mambabatas sa mga bogus na non-governmental organization ni Janet Lim-Napoles.

Hindi naman puma-ngit ang lasa ng kape, pero mukhang konti na lang yung mga tumatambay sa mga coffee shop.

Nawala na yung mga seksi na babae na nakasuot ng micro mini at parang mga naligo o ibinabad sa pabango.

Ang bulong sa akin, yung mga seksi na babae, ay mga sugo ng NGO.

Ito umano yung mga padala ng mga NGO na nanghihingi ng pondo sa mga Cong.

Hindi ko lang sigurado kung ang mga seksi na ito ay mga empleyado ni Napoles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor: May komento, reaksyon o tanong ba kayo sa artikulong ito? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending