Hiling ng fans, Isko isama sa 'Malvar' ni Pacquiao | Bandera

Hiling ng fans, Isko isama sa ‘Malvar’ ni Pacquiao

Bandera - March 13, 2020 - 12:05 AM

ISKO MORENO AT MANNY PACQUIAO

May mga request ang ilang netizens sa producer ng “Malvar” movie ni Sen. Manny Pacquiao na sana’y makasama rin sa pelikula si Mayor Isko Moreno.

Sigurado raw na mas magiging maingay ang movie kapag napasama rito si Yorme. Nais din nilang maparating kay Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., producer ng “Malvar” na sana’y mas pagandahin pa ito para mapasama sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Ang “Malvar” ay tumatalakay sa buhay ng Pambansang Bayani na si Hen. Miguel Malvar na ayon nga kay Atty. Villegas (apo ni Malvar at founder ng Citizen Crime Watch) ay isang proyekto na muling bubuhay sa pagiging makabayan ng bawat Pinoy.

Ayon sa producer, upang buhayin ang ugat ng Kalayaan at Demokrasya sa Pilipinas dapat daw ipaalala sa lahat na nagsimula ang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang lalawigan ng Cavite noong itanghal si Hen. Emilio Aguinaldo bilang kauna-unahang Pangulo ng 1898 Republika ng Pilipinas.

Sa kanyang speech bilang Guest Speaker ng National Annual Assembly at 27th Foundation Day Annivesary ng CCW na idinaos sa Imus, Cavite, sinabi ni Villegas na pagkatapos ng pagkapresidente ni Manuel Quezon ay wala nang sumunod na Presidente na galing sa Katagalugan at noong nakamit ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop na Amerikano noong July 4, 1946, wala nang sumibol na Pangulo na galing sa Region 4 na sumasakop sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal.

Sabi ni Villegas, apo ni Hen. Malvar na humalili kay Hen. Aguinaldo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1900 pagkatapos siyang mabihag ng pangkat ng mga Amerikano sa 1899-1902 Digmaang Pilipino-Amerikano, na marami sa naninirahan sa Katagalugan ang maikokonsiderang maging Presidente tulad nina Gov. Hemilando Mandanas ng Batangas, Gov. Jonvic Remulla ng Cavite, Sen. Panfilo Lacson ng Cavite at Mayor Isko Moreno ng Manila.

Idinagdag ni Villegas na imumungkahi niya sa Labor Party Philippines (LPP) a.k.a Workers and Peasant Party (WPS) kung saan siya ang Chairman-President, na sa kanilang National Directorate Assembly sa darating na Labor Day (May 1) ay pag-usapan na nila ang tungkol sa Halalan 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending