Pokwang inalala ang 1st death anniv ni Chokoleit: Umiiyak pa rin ako | Bandera

Pokwang inalala ang 1st death anniv ni Chokoleit: Umiiyak pa rin ako

Bandera |March 10,2020
facebook
share this

Pokwang inalala ang 1st death anniv ni Chokoleit: Umiiyak pa rin ako

Bandera - March 10, 2020 - 12:40 AM

CHOKOLEIT AT POKWANG

Inalala ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang first death anniversary ng kanyang kaibigang si Chokoleit.

Nag-post si Pokey ng litrato ng namayapang stand-up comedian sa Instagram na may madamdaming mensahe.

Aniya, “One year today, one year mo na akong pinapaiyak lagi at nalulungkot kapag naaalala ko wala na pala akong tagapagpasaya at tagapunas ng luha ko.

“One year na pala akong biglang tatawa kapag naalala namin bigla ang kabaliwan mo. Nag-iisa ka talaga Chokie ikaw lang yan lang, e. Kagaya ng ipinangako ko, hindi ka mawawala sa mga dasal ko araw-araw ‘yan. I love you friend. We miss you.”

Namatay si Chokoleit noong March 9, 2019 dahil sa pulmonary edema at heart attack matapos mag-live show sa isang lugar sa Abra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending