Pwet ni Alexa Ilacad pinagtripan ng male fan | Bandera

Pwet ni Alexa Ilacad pinagtripan ng male fan

Ervin Santiago |March 10,2020
facebook
share this

Pwet ni Alexa Ilacad pinagtripan ng male fan

Ervin Santiago - March 10, 2020 - 12:20 AM

ALEXA ILACAD

GINAWA na lang katatawanan ng Kapamilya young actress na si Alexa Ilacad ang panghaharas sa kanya ng isang netizen sa social media.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng fans at followers ni Alexa sa Twitter ang direct message (DM) na ipinadala ng isang male netizens dalaga.

Ibinalita ni Alexa na hiningan daw siya ng hindi pinangalanang lalaki ng litrato ng kanyang puwet. Dahil dito, nagkaroon pa tuloy siya ng problema dahil ano raw ang ipapadala niya sa nanghihingi ng photo e, wala raw naman siyang puwet.

Tweet ng dalaga, “May lalakeng nag DM sa akin, humihingi siya ng picture ng pwet ko eh siz?? Wala naman akong pwet ?? gusto mo picture ng tailbone ko??” Na ang tinutukoy ay ang dulong bahagi ng spine na matatagpuan sa may bandang puwet.

Maraming nag-comment sa post ni Alexa at natawa sa kanyang reaksyon. Narito ang ilan sa mga mensahe ng netizens.

“Pasahan mo pwet ng manok o baboy, Alexa!”

“Hahahaha! Gogue yun huh! Wag nyo naman ganyanin si Alexa hayys! Respeto lang!”

“Sendan mo ng picture ng manok tpos bigyan mo ng bonus picture ng muka ng manok pero muka talaga ng nag DM sayo para mapahiya!”

“Hahaha! Very good Alexa…hay nako! Nagkalat talaga mga loko loko ngayun!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending