10 pang kaso ng COVID-19 naitala; kabuuang bilang sa PH umabot na sa 20
KINUMPIRMA ngayong hapon ng Department of Health (DOH) ang 10 pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, dahilan para umabot na ang kabuuang bilang sa 20.
“DOH reported 10 more coronavirus cases on top of four new cases announced yesterday. This brings the total number of confirmed cases to 20,” sabi ni DOH Assistant Sec. Ma. Rosario Vergeire sa isang press briefing sa Malacanang.
Sinabi ni Vergeire na ang biglaang pagtaas ng bilang ay bunsod na rin ng “intensified surveillance” sa mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.