outbrain

Kaso COVID-19 sa PH umakyat na sa 10 matapos makapagtala ng 4 na bagong kaso– DOH

March 08,2020
share this

Kaso COVID-19 sa PH umakyat na sa 10 matapos makapagtala ng 4 na bagong kaso– DOH

March 08,2020 - 11:29 PM

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo na umakyat na sa 10 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng apat na panibagong kaso.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na base ito sa resulta ng pagsusuri nitong Sabado.

“DOH is currently investigating all the cases and gathering patients’ information from respective hospitals,” sabi ng DOH.

“DOH is also currently in coordination with concerned Local Government Units and the Centers for Health Development for localized response and implementation of infection prevention and control measures,” ayon pa sa DOH.

Sinabi ng DOH na ang pampitong kaso ay isang 38-anyos na lalaking Taiwanese.

“The patient has a history of contact with a Taiwanese foreign national who visited the Philippines and tested positive for COVID-19 in Taiwan. The patient has no history of travel outside of the country and his symptoms started last March 3. He is currently admitted to a private hospital,” sabi ng DOH.

Ang pangwalong kaso ay isang 32-anyos na Pinoy na lalaki na nagbiyahe sa Japan.

“Onset of symptoms began on March 5 and the patient is currently admitted to a private hospital,” ayon pa sa DOH.

Ang pansiyam ay isang 86-anyos na lalaking Amerikano na may hypertension at bumiyahe sa USA at South Korea.

“Symptoms began on 1 March 2020 and the patient is currently admitted to a private hospital,” dagdag pa ng DOH.

Ang pansampu kaso ay isang 57-anyos na lalaking Pinoy na walang kasaysayan ng pagbiyahe sa labas ng bansa.

“He was reported to have had contact with a confirmed COVID-19 case, however, DOH is currently investigating details of his exposure. The patient is currently admitted to a private hospital,” sabi ng DOH.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending