Mommy Divine dapat mag-seminar kina Jaclyn Jose at Annabelle Rama sa pagiging ina | Bandera

Mommy Divine dapat mag-seminar kina Jaclyn Jose at Annabelle Rama sa pagiging ina

Ronnie Carrasco III - March 09, 2020 - 12:25 AM

IT’S a known fact that there are so many of us na hindi pa man kasal are married na — to a family responsibility.

Sila ‘yung makailang beses munang magbabalak lumagay sa tahimik as it comes last on their priority list. There are parents though who are understanding enough, supportive of their children’s personal dreams.

May sarili nga naman buhay ang mga ito.

Medyo hindi swak sa kategoryang ito si Mommy Divine, ina ni Sarah Geronimo. Alam na natin ang most part of the story, ang bottomline: tutol siya sa pagpapakasal ng anak.

Kasabay ng isyung ito which is still hogging showbiz headlines ay may pahayag si Jaclyn Jose bagama’t wala itong direktang pinatutungkulan.

Aniya, bilang magulang ay suportado niya ang anumang naisin ng kanyang anak referring to Andi Eigenmann who she believes has a life of her own, and that life should be lived provided malayo ito sa kapahamakan.

Maybe Mommy Divine can take a cue from this. Sarah is old enough to be left to decide for herself, advice lang ang maaari niyang ibahagi sa anak.

Ang pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli under Christian rites ay hindi masasabing kawalan ng respeto. Sabihin man niya o hindi that she was getting married, Mommy Divine’s stand wouldn’t change.

But for the sake man lang of her daughter’s happiness—na hindi kayang ipagkaloob ng kanyang either parent—Mommy Divine should have been more open-minded.

Ani Mommy Divine, okey lang daw kahit sino, huwag lang kapwa artista. So who does she want for a son-in-law, eh, showbiz ang iniikutang mundo ni Sarah?

Ibang tao basta hindi taga-showbiz? For sure, mas ayaw ni Mommy Divine sa isang lalaking walang pinag-aralan, o di kaya’y may-kaya nga pero kuwestiyonable naman ang family background, or to be blunt about it, isang mahirap.

Ang hinihiling niyang pre-nup agreement sa pagitan ng newlyweds ay maliwanag na senyales that material things—kahit katiting man—have a lot to do with whoever (not necessarily sa kaso ni Matteo) Mommy Divine wants her daughter to marry.

Napakabait ngang anak ni Sarah whose showbiz earnings ay ibinibigay niyang lahat sa kanyang ina. Ngayong from single ay married na ang status ng singer-actress na kailangang maghanda para sa kinabukasan nila ni Matteo, magkakaroon siyempre ng pagbabago with the way Sarah handles her finances.

Dito maaapektuhan ang “perks” na napupunta kay Mommy Divine, ewan kung ito rin babang pangunahing ipinagsisintir niya.

Annabelle Rama was once quoted to have said na silang mga magulang ng artista ay dapat may trabahong pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay, nang sa gayon ay walang maisusumbat ang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasok ni Tita Annabelle ang pagma-manage ng mga artista, bumabakas din siya sa pagpoprodyus ng mga live show para kumita.

Sorry, wala kaming ideya kung may sideline o maliit na negosyo man lang si Mommy Divine para magkaroon siya ng sariling pera, nang hindi umaasa sa anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending