Maine, Bong magsasama sa mala-taken na pelikula, pero netizens kumontra
HINDI lahat happy sa latest post ni Lolit Solis where she dropped hints na posibleng magkasama sina Maine Mendoza at Sen. Bong Revilla for a possible project.
“Sa lahat ng pinaka excited ako na matuloy, sa TV o movies iyon sanang collab nila Bong Revilla at Maine Mendoza. Tuwing pinapanuod ko iyon tatlong version ng Taken parang silang dalawa ang nakikita ko.
“Iyon lahat gagawin ng tatay para sa mahal niyang anak. Iyon lahat ng panganib papasukan niya para maligtas ang anak. Ewan ko ba, siguro nakikita ko na perfect match talaga ang personalidad nila Bong at Maine lalo na sa comic attack sa isang eksena.
“Iyon sure ako magbi blend sila sa batuhan ng dialogue. Naku kahit isang serye sa TV tiyak ako magiging all out blending of character ang dalawa. Sana matupad ang dream ko na ito, kasi naging mother na ni Maine si Lani Mercado sa pelikula, sana naman ang makasama niya si Bong Revilla naman.”
That was Lolit’s post to which her followers reacted to. Marami sa kanila, ayaw sa Bong-Maine tandem.
“I’m not a fan, maybe not as much as her other movies but you cannot deny the fact that she’s a star otherwise why would an old has been actor will team up with her.”
“Mukang ito ang unang magiging flop project ni Maine!”
“Parang hindi naman kapana panabik yung tandem na Bong and Maine manay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.