MARAMING kababaihan sa iba’t-ibang fields ang naging inspirasyon ng marami, katulad na lang ni Marie Curie, isa sa pinakamatagumpay na scientist. Siya Ang unang babaeng nagka Ph.D sa isang French university, unang babaeng professor sa University of Paris at ang greatest achievement niya–ang unang babaeng nanalo ng Nobel Prize at ang unang taong nanalo nito ng dalawang beses sa dalawang magkaibang fields.
From science, arts, sports, global activism, charity works and supporting women’s rights, narito ang ilan sa mga modern women na dapat tularan.
Christina Koch, Jessica Meir
Ang matagal ng magkaibigang astronauts na sina Christina Koch at Jessica Meir ay naging inspirasyon para sa mga batang babaeng nangangarap na makapunta sa outer space noong sila ang maging kauna-unahang all female team na nagsagawa ng isang “space walk” para ayusin ang isang nasirang power grid sa International Space Station. 35 years ago, si Kathy Sullivan ang unang babaeng napasama sa isang space walk pero sina Christina at Jessica ang may hawak ng rekord ng unang team na puro babae lang ang nagsagawa ng naturang space walk.
Greta Thunberg
Naging laman ng balita ang teenager at climate activist na si Greta Thunberg noong tanghalin siyang Time’s Person of the Year noong 2019 sa kanyang pagbibigay ng babala sa mga world leaders ng panganib na hatid ng climate change sa buong mundo.
Taylor Swift
Nagmarka siya sa mundo ng music lalo na nang igawad sa kanya ang award bilang best selling music artist in the world for 2019 ng International Federation of the Phonographic Industry. Powerful din ang messages ng kanyang mga kanta katulad ng latest music video nya para sa kantang “The Man” na pinapakita ang male privilege at double standards na nararanasan ng mga kababaihan.
Malala Yousafzai
Siya ang pinakabata na nanalong ng prestigious Noble Peace prize noong 2014. Siya ay 17 years old noon. Kilala siyang nagsalita sa mga kahindikhindik na bagay na nangyari noong sakupin ng mga Taliban ang kanyang bayan. Ipinaglalaban din niya ang karapatan ng mga batang babaeng makapag-aral.
Angel Locsin
Noong September 2019 ay naging trending topic si Angel Locsin sa pagiging absent nya sa ABS-CBN Ball. Nagdesisyon kasi siyang hindi na lang magpagawa ng damit sa halip ay magbigay direkta sa Bantay Bata, na siyang beneficiary ng ball na ito. Ilan lang ito sa mga dahilan kaya naisama siya sa listahan ng Forbes Asia bilang isa sa mga Heroes of Philanthropy.
Serena Williams
Isa sa pinakakilalang tennis players sa mundo, si Serena Williams ay ilang beses ng nag-number 1 sa kanyang sport. Noong January, dinonate niyang lahat ng napanalunan niya sa women’s singles sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand para sa mga naapektoluhang wildlife ng bush fires sa Australia.
Aija Mayrock
Sa pamamagitan ng pagsulat niya idinaan ang kanyang adbokasiya. Isinulat ni Aija Mayrock ang kanyang librong The Survival Guide to Bullying noong siya ay 16. Hango ito sa mga naranasan nya noong siya ay nabu-bully dahil sa kanyang stutter at lisp. Sa kanyang libro, idinitalye niya roon kung paano makasu-survive sa harap ng masasamang pwedeng mangyari sa iyo dulot ng bullying.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.