SWS: Satisfaction rating ng Duterte gov’t tumaas
TUMAAS ang satisfaction rating ng Duterte government, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa mula Disyembre 13-16, nakakuha ang Duterte government ng 73 porsyentong net satisfaction rating (81 porsyentong satisfied, at 7 taong dissatisfied) mula sa 67 porsyento sa survey noong Setyembre.
Pinakamataas ang nakuhang rating ng gobyerno sa pagtulong sa mahirap (64 porsyentong net satisfaction rating) na sinundan ng paglaban sa terorismo (61 porsyento).
Sumunod naman ang pagbibigay ng impormasyon ng gobyerno upang malaman kung ano ang ginagawa nito (58 porsyento), pagkakaroon ng malinaw na polisiya (56), pagpapaunlad ng ekonomiya (53), pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Muslim (51) at pagbibigay ng proteksyon sa press freedom (50).
Pangwalo naman ang paglaban sa krimen (49), pakikipagkasundo sa rebeldeng komunista (48), pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (47), paggalaw sa kung ano ang nais ng gobyerno (45), paglaban sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (32), at paglaban sa korupsyon (31).
Sumunod naman ang pagtiyak na walang pamilya na magugutom (29), pagsamsam sa tagong yaman ng mga Marcos at kanilang cronies (25) at ang pinakamababa ay ang pagtiyak na mababa ang itinataas ng presyo ng bilihin (12).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.