TUMAAS ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ngayong araw inanunsyo ng Meralco ang pagtataas ng P0.0278 kada kiloWatt hour sa singil nito ngayong buwan matapos ang dalawang buwan na magkasunod na pagbaba.
Mula sa P8.8623/kWh ang presyo ng kuryente ngayong Marso ay P8.8901/kWh. Nagkakahalaga ng P6 ang dagdag sa isang residential kustomer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Mas mababa naman ito sa P10.4961/kWh na singil noong Marso 2019.
Ang pagtaas ay dulot ng mas mahal na generation charge na natapyasan ng refund ng over-recoveries sa pass-through charges at one-time adjustment sa Universal Charge-NPC Stranded Contract Costs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.