Pacquiao nakaka-relate kina Matteo at Sarah: Tutol din ang nanay ko kay Jinkee | Bandera

Pacquiao nakaka-relate kina Matteo at Sarah: Tutol din ang nanay ko kay Jinkee

Cristy Fermin |March 05,2020
facebook
share this

Pacquiao nakaka-relate kina Matteo at Sarah: Tutol din ang nanay ko kay Jinkee

Cristy Fermin - March 05, 2020 - 12:25 AM


NANANALAMIN  pala ang Pambansang Kamao sa naganap na kuwento ng pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ganu’ng-ganu’n din pala ang nangyari sa kanila ni Jinkee Pacquiao.

Kuwento ni Senador Manny Pacquiao, “May dapat na akong pakasalan, ‘yun ang gusto ng mama ko, pero hindi natuloy. Nakatrato na ako sa girl, pero nagkakilala nga kami ni Jinkee, kami ang nagtuloy na magpakasal.

“Ayaw sa kanya ng mama ko, kaya nu’ng magpakasal kami, e, ate ko lang ang kasama ko. Kahit sa pamamanhikan, ate ko lang din ang kasama ko. Wala ang pamilya ko sa kasal namin.

“Ang pamilya lang ni Jinkee ang nandu’n. Kaya alam ko ang nararamdaman ngayon nina Matteo at Sarah. Ganu’n din ang pinagdaanan namin ni Jinkee,” kuwento ng sikat na boksingero-pulitiko.

Pero hindi raw sila nagtanim ng sama ng loob kahit kanino, lalo na kay Mommy Dionisia, pinatunayan lang nila na tama ang ginawa nilang desisyon.

At ngayon ay close na close na sina Jinkee at Mommy D, sila pa nga ang magkasanggang-dikit ngayon, na siyempre’y ikinaliligaya ng Pambansang Kamao.

Sabi uli ni Senador Manny, “Huwag na huwag silang magtatago ng galit o sama ng loob sa mga magulang nila. Lalo na si Sarah, ang ina ay ina. Anuman ang mangyari, sila-sila pa rin ang magkakasama sa kahit anong laban.

“Isang araw, kapag napatunayan nilang tama ang naging decision nila, e, lalambot na rin ang loob ng mommy ni Sarah. Lalo na kapag nagkaapo na si Mommy Divine, tapos na ang laban!” tumatawang pahayag pa ng Pambansang Kamao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending