ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P13.6 milyon halaga ng hinihinalang shabu, sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, Martes ng hapon.
Nakilala ang mga nadakip bilang sina Junior Sakilan Utto at Misreen Suraik Utto alyas “Mat,” kapwa nasa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Isinagawa ng mga tauhan ng iba-ibang unit ng PDEA, kasama ang Bacoor City Police, ang operasyon sa Brgy. Molino 3, dakong alas-4:30.
Nakuhaan ang mga suspek ng aabot sa 2 kilo ng hinihinalang shabu na nakapaloob sa mga pakete ng tsaa, ayon sa ulat.
Nabawi sa mga suspek ang buy-bust money, at nakumpiska sa kanila ang tatlong cellphone at isang Toyota Fortuner (TFO-969), ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.