'Isang malaking palaisipan pa rin si Mommy Divine' Bandera

‘Isang malaking palaisipan pa rin si Mommy Divine’

Cristy Fermin |March 04,2020
share this

‘Isang malaking palaisipan pa rin si Mommy Divine’

Cristy Fermin March 04, 2020 - 01:05 AM

DELFIN, SARAH AT DIVINE GERONIMO

Isa-isang binabalikan ngayon ng mga kababayan natin ang mga pagdurusang pinagdaanan ni Sarah Geronimo bago siya naging Mrs. Guidicelli.

Anim na taon silang naging magkarelasyon ni Matteo Guidicelli, pero isang relasyon ‘yun na hindi tanggap ng pamilya ng babae, biruan nga nu’n ng kanilang mga kaibigan ay gagawin daw yatang achara ni Mommy Divine ang kanyang dalaga.

Buburuhin lang daw si Sarah, hihintayin na lang ang panahon ng pagiging matandang-dalaga niya, dahil ayaw siyang pag-asawahin ng kanyang mga magulang.

Hanggang sa paunti-unti ay pinapayagan na ring sumama si Sarah kay Matteo nang siya lang, hindi sumasama ang kanyang ina, walang nakabuntot na security sa kung saanman sila nagpupunta.

Ilang beses na palang nagpaalam sina Matteo at Sarah tungkol sa plano nilang pagpapakasal pero wala talaga siyang nakukuhang basbas mula kina Daddy Delfin at Mommy Divine.

Walang maisip na dahilan ang mga nagmamahal kay Sarah kung bakit ayaw pa rin siyang payagang mag-asawa ni Mommy Divine. Nasa wastong edad na siya, napakatindi na ng biyayang naiaakyat niya sa kabuhayan ng kanilang pamilya, ano pa ba ang kulang?

Hanggang sa dumating na nga ang takdang panahon. Walang kaalam-alam si Mommy Divine na mabubulaga na lang pala ito isang araw dahil nagpakasal na ang kanyang anak kay Matteo.

Wala nang nagawa ang nanay ni Sarah kundi ang sumugod para maglabas ng sama ng loob, kitang-kita sa kanyang mga pananalita at aksiyon na kahit treinta’y uno anyos na si Sarah ay wala pa ring karapatang lumagay sa tahimik, isang malaking palaisipan pa rin hanggang ngayon si Mommy Divine para sa ating mga kababayan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending