Mommy Divine: Ok lang maging kontrabida, basta hindi ko pinabayaan ang anak ko

By Julie Bonifacio March 03,2020
share this

Mommy Divine: Ok lang maging kontrabida, basta hindi ko pinabayaan ang anak ko

By Julie Bonifacio March 03,2020 - 12:48 AM

NAHALUKAY ang past interviews ng parents ni Sarah Geronimo-Guidicelli, especially ng kanyang inang si Mommy Divine.

Until now kasi ay wala pa ring lumalabas na interview sa panig ng mga magulang ng Popstar Royalty matapos ang kontrobersyal at maiskandalong kasal ng kanilang anak sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Sa true lang, hindi naman mahilig umeksena sa showbiz at magpainterbyu ang mga magulang ni Sarah. Unless, they are requested ng mga namamahala sa career ni Sarah lalo na kapag may prino-promote itong movie.

Kaya karamihan sa showbiz news sa print and online naghahalukay ng mga dating interbyu/statement nina Monmy Divine at Daddy Delfin. Tulad na lang ng lumabas na article sa isang magazine kung saan nasabi ni Mommy Divine kung paano nila inalagaan at pinoproteksyunan si Sarah, “Hindi kami nagkulang sa pagsasalita. Lalo na ako, nagiging kontrabida ako. Okey lang. Sabi ko,

‘Okey lang iyon, kahit kontrabida ako.”

Ang importante raw hindi siya masisisi ng Diyos na pinabayaan niya ang kanyang anak, “Na, ‘Ikaw kasi, pinabayaan mo.’ At least, wala akong pagsisisihan in the end na nagkulang ako.”

Dagdag pa niya, “Obligasyon ng mga magulang ang mga anak, e. Kung ano’t ano ang mangyayari diyan, mas una pang mamamatay ang ina kaysa sa anak.”

Alam na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending