INANUNSYO ng Department of Agriculture na gastroenteritis at hindi African swine fever ang ikinamatay ng mga biik sa Brgy. Del Rosario, Iriga City.
Tiniyak naman ng DA na nananatiling kontrolado ang ASF sa walong barangay ng mga bayan ng Bombon at Calabanga, na kapwa 50 kilometro ang layo mula sa Iriga City.
Umabot na sa 1,516 baboy ang pinatay sa Bicol, kung saan apektado ang 291 magsasaka.
Mahigit 18 metriko toneladang baboy at processed meat ang nakumpiska ng National Meat Inspection Services sa Camarines Sur at Camarines Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.