Jasmine handa nang ipasa ang korona sa anak ni Anne
Speaking of Jasmine Curtis, hindi maitago ng aktres ang sobrang excitement sa pagsilang ng anak ng kapatid na si Anne Curtis.
Nagpaalam na raw siya sa production ng DOTS para sa ilang araw na bakasyon. Pupunta siyang Australia para masaksihan ang pagsilang ng kanyang pamangkin.
Pinuri ni Jasmine ang blooming niya ngayong ate lalo na nang lumabas ang mga kuha nito sa ginawang maternity shoot. Handa na rin siyang ipasa ang korona ng pagiging “baby girl” ni Anne sa magiging panganay nitong anak.
“Within the next two to three weeks, pupunta na ako sa Australia,” sabi ni Jasmine.
“I think the great thing is naalagaan niya nang mabuti ang sarili niya and she really took the time for herself for this new experience. Kita naman ‘yung effects sa mukha niya when she posts or even her husband,” aniya pa.
“Kahit si Erwan nakikita naman natin pareho silang fresh ngayon, alam mong marami silang free time for themselves to enjoy this moment and this special occasion of giving birth,” pagpapatuloy ng leading lady ni Rocco sa DOTS.
Sa tanong kung ready na siyang ipasa ang crown ng pagiging “baby girl” ng kanyang ate sa una niyang pamangkin, “Yes, okay lang. Ganu’n talaga ipapasa mo lagi ang korona to someone na karapat-dapat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.