Lovelife ni Jasmine pinakialaman din ng pamilya: Pero lagi akong lumalaban | Bandera

Lovelife ni Jasmine pinakialaman din ng pamilya: Pero lagi akong lumalaban

Ervin Santiago |March 01,2020
facebook
share this

Lovelife ni Jasmine pinakialaman din ng pamilya: Pero lagi akong lumalaban

Ervin Santiago - March 01, 2020 - 12:50 AM

JASMINE CURTIS AT ROCCO NACINO

NARANASAN na rin ni Jasmine Curtis ang mapakialaman ng pamilya sa kanyang lovelife, pero hindi naman daw umabot sa level ng Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli love story.

Inamin ng Kapuso actress na nakaka-relate siya sa karakter niya sa primetime series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) bilang si Cpt. Moira Defensor.

Nakachika namin si Jasmine at ang leading man niya sa DOTS na si Rocco Nasa sa solo presscon na ibinigay ng GMA para sa kanilang tambalan. Bentang-benta ngayon sa manonood ang dalawa dahil sa away-bating relasyon nila sa serye.

Sa kuwento, tutol ang tatay ni Cpt. Moira na si BGen. Carlos Defensor sa relasyon nila ni Rocco bilang si TSg Diego Ramos kaya natanong namin si Jasmine kung sa totoong buhay ba ay naranasan na rin niya ito tulad din ng kontrobersyal na love story nina Sarah at Matteo.

Ani Jasmine may pagkakataon talaga na nakikialam ang pamilya niya pagdating sa kanyang lovelife pero, “Lagi naman akong lumalaban if I feel like, ‘Bakit? Gusto ko siyang i-date, ano bang problema niyo?”

“And then, you know, you have fun, and you learn and then gets mo na ‘yung life. You mature,” aniya pa.

Pero pahayag ni Jasmine, hindi naman siya nagrebelde sa pamilya, “No, no. Kasi that’s one thing na, I think, as a Filipino, you learn na kahit papaano, you have to find ways to still respect your parents.”

Hirit pa niya, “At the end of the day, you have to know ‘yung boundaries mo rin for yourself lalo na kung wala ka pa sa tamang edad to make those decisions.”

 

* * *

In fairness, kahit may mga partner na sina Rocco at Jasmine sa tunay na buhay, kinakikiligan pa rin ng viewers ang tambalan nila sa DOTS bilang sina TSg. Diego at Cpt. Moira.

Suportado nina Jeff Ortega (boyfriend ni Jasmine) at Melissa Gohing (dyowa ni Rocco) ang tambalang RocMine at happy daw ang mga ito dahil sa success ng DOTS.

Alam n’yo ba na mas nauna palang naging magkaibigan sina Rocco at Jeff dahil nagkatrabaho sila noon sa pelikulang “Flotsam.” Kinunan ang movie sa Flotsam & Jetsam Resort sa La Union kung saan part-owner ang BF ni Jasmine.

Sey pa ng aktor, magkausap pa sila ni Jeff noong malaman niyang magtatambal sila ni Jasmine, “Nag-congratulate sa akin si Jeff, and then sabi niya, ‘I’m really happy that you will be working with Jas.’ Happy siya.”

Sinusubaybayan din daw ng GF niya ang serye, “Naiinis nga siya sa story eh, kasi siya yung K-drama fan. So way back 2016, sabi niya, ‘Panoorin mo ‘to kasi kamukha mo!'”

Ang tinutukoy ni Melissa ay ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa karakter ni Rocco sa original version ng Descendants of the Sun. Siguradong kinikilig din ang GF ni Rocco sa tambalang RocMine o DieRa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula ngayong gabi, mapapanood na ang DOTS PH after 24 Oras sa GMA Telebabad na susundan ng Anak ni Waray Vs Anak ni Biday at Love of My Life.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending