ArMaine fans abangers na sa b-day surprise ni Arjo para kay Maine | Bandera

ArMaine fans abangers na sa b-day surprise ni Arjo para kay Maine

Jun Nardo |March 01,2020
facebook
share this

ArMaine fans abangers na sa b-day surprise ni Arjo para kay Maine

Jun Nardo - March 01, 2020 - 12:40 AM

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

ABANGERS na ang fans ni Maine Mendoza sa pagbandera ng music video para sa single niyang “Parang Kailan Lang”.

Nitong nakaraang araw ipinasilip na ng Universal Records ang set up ng ginawa niyang music video na siguradong magugustuhan daw ng kanyang fans.

Nagkaroon na rin ng photo shoot si Meng recently para rito at sa Twitter account ni Kathleen Dy-Go ng Universal Records PH, binigyan din siya ng advance birthday celebration with matching blowing of cake.

As of this writing nananatiling number one sa iTunes ang kanyang single at patuloy pa rin itong humahataw sa nasabing digital platform.

Ngayong darating na March 3 na ang 25th birthday ni Maine at inaabangan na rin ng publiko ang magiging celebration niya. May mga fans din ang todo abang kung ano ang magiging surprise sa kanya ng boyfriend na si Arjo Atayde.

Ang bagong labas namang lipstick shade ni Maine na ginawa para sa isang global brand ng cosmetic ay ni-review kamakailan ng Filipino beauty gurus na sina About RAF at Johnreyslife.

“Kung ‘yung unang shade niya ay pang prinsesa, ito namang bago ay pang-queen,” saad ni Raf sa isang report.

Impressed din si Johnrey sa latest color gaya ng unang shade na ginawa ni Maine.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending