Tambalang Julia-Toni tanggap agad ng fans | Bandera

Tambalang Julia-Toni tanggap agad ng fans

Reggee Bonoan |March 01,2020
facebook
share this

Tambalang Julia-Toni tanggap agad ng fans

Reggee Bonoan - March 01, 2020 - 12:20 AM

JULIA BARRETTO AT TONY LABRUSCA

Ang daming followers ni Julia Barretto sa ibang bansa at iisa ang komento nila sa mga YouTube video nito na nakunan sa nakaraang special screening ng iWant digital series na “I AM U” na ginanap sa Trinoma cinema 6.

Hindi raw abot ang iWant sa ibang bansa kaya humihiling sila na sana’y ma-post din sa YouTube ang buong series ng “I AM U.” Two days pa lang umeere ang series pero umabot na sa 3,654 ang nakuha nitong likes.

Panay din ang sang-ayon ng supporters ng aktres sa mga nababasa nilang feedback na ang husay nito sa serye. Oo nga, puro positive comments ang narinig namin tungkol sa acting ng dalaga sa digital series na idinirek ni Dwein Baltazar mula sa Dreamscape Digital at IdeaFirst Company.

At higit sa lahat, boto ang fans sa bagong ka-loveteam ng aktres na si Tony Labrusca, tinawag nilang TonLia ang tambalan nila. May mga nagsabing sana bigyan ang TonLia ng pelikula ng Star Cinema tulad din ng ginawa sa JoshLia.

Sa pagkakaalam namin ay may teleseryeng gagawin sina Tony at Julia mula sa RSB (Ruel S. Bayani) unit base na rin sa pahayag ng dalawa sa nakaraang mediacon ng “I AM U.”

Kaya baka pagkatapos na ng serye sila magkapelikula depende sa magiging pagtanggap sa kanila ng publiko.

At dahil maraming projects ang TonLia ay aminado si IdeaFirst producer Perci Intalan na pipila siya sa dalawa kung sakaling magkaroon ng season 2 ang “I AM U.”

Oo nga, sana may season 2 ang serye dahil bitin ang ending. Abangan ang last three drops ng “I AM U” sa iWant sa mga susunod na araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending