BANDERA "One on One": Mariel Rodriguez | Bandera

BANDERA “One on One”: Mariel Rodriguez

- February 22, 2010 - 12:58 PM

by Julie Bonifacio

PRETTY girl  Mariel Rodriguez is undoubtedly one of the best female TV hosts today. Bukod-tanging si Mariel lang kasi ang kilala naming celebrity na may everyday noontime at primetime hosting job plus a weekend afternoon talk show  na pawang top-rating programs ng ABS-CBN.
Aside from that, tuloy pa rin ang acting career ni Mariel with an afternoon series na Precious Hearts Romances kung saan sila ng kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo ang bida.
Sa pakikipag-one-on-one namin kay Mariel, hindi namin naramdaman sa kanya ang pagod sa almost 24 hours niyang pagtatrabaho. Sabi nga niya hanggang nag-eenjoy siya sa kanyang mga ginagawa, hindi siya magrereklamo.

BANDERA: Paano tumatakbo ang buong araw mo? May time ka pa ba para sa sarili mo at sa ‘yong lovelife?
MARIEL RODRIGUEZ: Katatapos lang namin ng  Pinoy Big Brother Double Up. So, medyo nabawasan ang load ko. Sobrang happy ako sa pagho-host ko sa PBB. Alam mo ‘pag walang, hindi  naman sa ano ha, kapag hindi ako ngarag, feeling ko  wala akong career. Hinahanap ko ‘yung parang wala akong tulog. ‘Yung papasok ka na parang haggard.‘Yung parang kawawa ako dahil I work so hard. Enjoy ako sa mga ganu’ng eksena. At siyempre may time pa rin sa lovelife. Kailangan! Hahahaha!

B: May binibigay ka bang reward para sa sarili mo for working so hard?
MR: Uhm, wala. ‘Yung normal na pag-aalaga, wala naman. Nagagawa ko pa rin naman ‘yung  lahat ng gusto kong gawin. Paminsan-misan  may binibigay naman ako for myself pero wala pa namang specific.

B: Bakit hindi ka tumulad sa mga kasamahan mo sa Wowowee  na sina Pokwang at Valerie Concepcion na  balitang bili nang bili ng mga property. Bakit ikaw parang wala lang?
MR: E, si Pokie kasi mga bahay, oo.  Actually, kakabili ko lang ng kotse. As in two days ago kaya sobra  talaga akong happy. Alam mo kasi, laging nasisira ‘yung car ko.  Wala pang three years ‘yung kotse ko dati. ‘Yung parts niya mahirap hanapin kaya kailangan mo pang hintayin lagi. So, nagba-borrow ako ng car sa lola ko, ganyan. Ayoko na ng sobrang hassle. Three times akong nag-wait. Sabi ko, ‘Sige bibili ako,’ ‘Sige huwag na raw dahil hindi ko raw kailangan.’
Tapos nasira na naman, sabi ko ‘Sige, bibili na talaga ako.’ Tapos pinigilan na naman nila ako. Hindi na naman ako naka-buy. Eto, ‘yung last time, nu’ng Big Night, nasiraan ako ng kotse noon, ha. Sinabi ko na  talaga, ‘Wala na akong pakialam, bibili na talaga ako!’ Kaya bumili na ako!

B: Anong kotse ang binili mo?
MR: (Ford) E-150 na kulay black.

B: Pareho kayo ng bagong kotse ni Toni Gonzaga?
MR: Tama! Pero bago pa noon, gusto ko na siya talaga. Kaya matagal ko nang kinu-consult ‘yun. Pinipigilan ako noon ng lolo ko, kasi sabi nila hindi ko naman daw  kailangan. Kasi meron na nga naman akong kotse. E, ’yung dati kong kotse, Chrysler. Pero ‘yung  E-150 gusto ko talaga kasi high level.  Gusto ko kasi malaki, marami akong malalagay na mga kaartehan ko.

B: Ipapa-customize mo rin ba ito tulad ng ginawa ni Toni sa kanyang E-150?
MR: Hindi na, pwede na ‘yan. Okey lang sa akin ‘yan. Hindi naman ako nagti-taping, e. Kailangan ko lang ng lagayan ng gamit. Okey na ‘yun.

B: Sino na ang una mong isinakay sa bagong kotse mo?
MR: Ano, nu’ng kinuha ko siya  nagpatulong ako kay Zanjoe kasi siya ‘yung nag-drive nu’ng isang car. So, nagpatulong ako sa kanya. ‘Yun lang, wala, kami pa lang. Si Jaime, sa Backroom.

B: Happy naman si Zanjoe for your new expensive car?
MR: Oo, ‘tsaka siya rin may bago ring kotse, BMW.  Pero nagwo-work hard naman kasi talaga siya. Pero after nito talaga, hindi na muna ako bibili ng kung anu-ano kasi ang goal ko talaga for this year is to buy a house in Alabang.  That’s really what I want. So ‘yun ang pagsusumikapan ko ngayon.

B: Bakit sa Alabang?
MR: Kasi ‘yung ate ko doon nakatira ‘di ba? E, gusto ng lolo at lola ko  malapit lang. Although malayo nga siya sa ABS-CBN, pero hindi naman kailangang tumira doon agad ‘di ba?  Pwede namang lupa muna.  Sa ngayon kahit na ano muna ang mauna. Basta paunti-unti. Kasi na-realize ko, hindi naman sa matagal ha, pero kahit papano hindi naman ako super baguhan, e gusto ko naman na may maipundar na ano,  e, I work so hard naman.  Gusto ko naman, feeling ko kung may goal ako, hindi lang puro sapatos  at  mga kalandian ang mabibili ko mago-go ko ‘yun.

B: May naipon ka na ba para sa goal mong house and lot sa Alabang?
MR:Oo, e kaya lang  binawasan ko kasi nga bumili ako ng kotse, ‘di ba? Cash ko binayaran ‘yung kotse. Actually, mura lang siya. Parang P1.9 million, mga ganu’n. Pwede na. Kasi cash ko binili.
Nabawasan lang ‘yung savings ko para sa lupa’t bahay. Pero may natira pa naman. Kaya lang magkano ba ang bahay sa Alabang, ‘di ba?

B: Hindi ba kayo joint venture ni Zanjoe sa house and lot na ‘yan?
MR: Ay, wala naman. Hindi pa naman namin napag-aanuhan ‘yan. Siyempre bago ‘yung together namin, ‘yung pang-sarili muna. Siya rin du’n sa sarili niya muna. Kami ni Zanjoe  I think hindi pa, kailangan muna kasi niyang unahin ‘yung sa family niya. Kailangan  din niyang mag-provide sa family niya.

B: Paano kapag nagpakasal na kayo ni Zanjoe?
MR:E, hindi ko pa rin naman gusto. Kaya okey lang. Hahahaha!

B: Gusto mo ba ng malaking bahay?
MR: Hindi naman malaking malaki basta comfortable lang. Tsaka ‘yung magkakasya lahat ng mga kalandian ko. Hahahaha!

B: Mukhang naunahan mo pa sina Pokwang at Valerie na magpatayo ng sariling bahay?
MR: Okey lang naman. Hindi naman  ako nakikipag-compete kahit kanino. Uhm proud  ako, masaya ako para sa kanila, sobra. It doesn’t matter sa akin kasi nagwo-work hard din naman sila. Nakikita ko naman na talagang work sila nang work.  So, they deserve kung anuman meron sa kanila.”

B: Ano’ng ginawa n’yo ni Zanjoe nu’ng Valentine’s Day?
MR: Hindi kami nag-date.  Nu’ng Valentine’s day kasi I was working for PBB. May  big reunion kami rito. Nag-lunch lang kami sa condo ko, ’yun lang. Kasi night time pa ako sa PBB tapos nu’ng gabi nagpunta pa ako kay Ate Kris (Aquino), siya naman nagpunta kay John Prats.  E, siyempre kailangan kong pumunta kay Ate Kris.

B: Ikaw ba ang nagluto ng pagkain n’yo ni Zanjoe?
MR: Ay, hindi! Naku, huwag na. Simple lang.  Tilapia nga lang ang pagkain namin. That’s my favorite now.  Kasi si  Ethel (Booba) nilulutuan ako noon dati sa Big Brother house. So, sabi ko sa kanya ituro niya sa akin eksakto pagluto noon para  papagaya ko sa mga yaya ko. Kanina as in, katatapos ko  lang  mag-TV shoot kahapon, kanina  sinabi ko sa yaya ko  make sure na meron akong tilapia, paksiw na tilapia. Ayoko ng bangus kasi maraming tinik. Sabi ko, i-make sure na may baon ako ngayon kalahating tupperware.
Hindi naman ako malakas kumain pero  dahil nga lang deserving ako dahil nag-work hard ako kahapon. Ganu’n talaga ako. Kapag may something talaga ako na gusto aaraw-arawin ko ‘yun hanggang magsawa ako. Meron ako ‘yung  parang kunwari for two weeks  talaga   straight-straight talaga ’yun ang gusto kong kainin.

B: Kumain din ba si Zanjoe ng kanyang paksiw na tilapia?
MR:Kumakain din naman pero hindi katulad ko na panay-panay na parang adik.

B: Ano ‘yung ginawa mong commercial kanina?
MR:  TV commercial with Coco Martin  alak. Si Direk Onat Diaz ang nagdirek. Ang cute baklang-bakla ako pero maganda.

B: Hindi kaya pagselosan ni Zajoe si Coco?
MR: Ay, hindi naman. First  time ko  nakatrabaho si Coco. Nakakahiya nga kasi  ang tahi-tahimik niya. Kaya ng sabi ko, baka naku-culture shock sa akin to? Kasi nga opposite ko. Pero okey lang naman, naging comfortable naman kami sa isa’t isa.”

B: Hindi ba siya nagseselos sa mga leading lady ni Zanjoe?
MR: Hindi, hindi talaga. Kasi trabaho e, ‘di ba? Tsaka sad naman kung sa mga pangit siya ibibigay. Mas maganda na doon siya ibigay sa mga magaganda.

B: Sa tingin mo ba aabot hanggang simbahan ang relasyon n’yo ni Zanjoe?
MR: Ay, huwag nating lagyan ng ano, basta ganyan lang muna  kami. Nagmamahalan, nagkakaintindihan. Mas maganda ‘yung bahala na lang.

B: Ano naman ang reaksyon niya sa balitang may idadagdag na mga bagong hosts sa Wowowee tulad nina Sam Pinto at Georgina Wilson?
MR: Masaya ako kung may mga idadagdag.  Walang problema sa amin. Kung merong bago sa show ako pa ang tutulong sa kanila kung paano ko tinulungan ’yung iba. I’m always helping them. Kasi alam ko ’yung feeling na hindi mo alam ang ginagawa mo. Kasi no one naman talaga will brief you, e.  E kasi kami dito sanay na kami dito, lagi naming ginagawa.  So kailangan talagang i-guide.  Kahit sino pa ‘yan, super welcome talaga.

BANDERA Entertainment, 022210

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naaliw ka ba sa interview kay Mariel? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending