Angel todo-pasalamat kay Sara Duterte: ABS-CBN employees nabuhayan ng loob | Bandera

Angel todo-pasalamat kay Sara Duterte: ABS-CBN employees nabuhayan ng loob

Reggee Bonoan - February 29, 2020 - 12:01 AM

NABUHAYAN ng loob ang lahat ng manggagawa ng ABS-CBN nang tanggapin ni Presidente Rodrigo Duterte ang paghingi ng sorry Mr. Carlo Lopez Katigbak, Presidente at Chief Operation Officer ng network.

Nitong Huwebes ay nagpahayag na rin ng suporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa panayam kay Mayor Sara sinabi nitong agree siya sa pagbibigay ng isa pang pagkakataon sa network, “Davao City fully supports ABS-CBN sa kanila na pagpapa-renew ng kanilang franchise.
“And of course, malaki rin ang suporta ng ABS-CBN sa Davao City at sa buong bansa. So hopefully, ma-resolve in a positive way ang issue ng franchise ng ABS-CBN,” dagdag ng alkalde.

Ipinost naman ni TV Patrol news anchor Julius Babao ang panayam kay Mayor Sara sa social media na ni-like ng aktres na si Angel Locsin kasabay ng pagpapasalamat nila kay Inday Sara.

Komento ni Angel, “Thank you Mayora Sara.”

Samantala, kinlaro naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hanggang Mayo 4, 2020 pa ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi tulad ng nasulat na hanggang Marso 30 na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending