Kris umamin: Pera ng mga Pinoy ang nagpaunlad sa buhay namin | Bandera

Kris umamin: Pera ng mga Pinoy ang nagpaunlad sa buhay namin

Ervin Santiago - February 28, 2020 - 04:37 PM

KRIS AQUINO

SINUPALPAL ni Kris Aquino ang isang basher na nagsabing pera ng mga Pilipino ang ginagamit niya para sa ikauunlad ng kanyang pamilya.

Hindi pinalampas ng Queen of All Media ang akusasyon ng netizen at talagang sinagot niya ito kaya na-bash nang bonggang-bongga ang hater.

Comment ng Instagram user na si @sickie9 sa post ni Tetay, “Talaga naman ginagamit ang pera ng Pilipinas para lang mas maunlad ang buhay. Family of thieves.”

Narito naman ang sagot ni Kris sa kanya, “I cannot argue with your logic–pera ng Pinoy na bumibili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin.”

Hirit pa ng TV host-actress, “See, hard work pays off and God rewards those in His flock who are 1. Cheerful givers, and 2. You know how to say thank you.

“’Wag mo burahin ang pang Miss Universe na sagot ko, okay?” pahabol pa ni Kris.

Samantala, nag-post din si Kris ng mensahe sa kanyang official Facebook para linisin ang kanyang pangalan at ng pamilya Aquino, lalo na sa patuloy na pangnenega sa kanila ng ilang bashers.

Post ni Kris, “Obvious naman na hindi kami pamilya ng magnanakaw.

“Generally ‘pag galing sa nakaw, hindi pino-post on IG, especially an account with more than 4.6 million followers.

“But do take note [that] I wrote, GENERALLY–plus, I do have years and years of BIR receipts to back me up #facts.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending