Purisima pinawalang-sala sa 8 kaso ng perjury | Bandera

Purisima pinawalang-sala sa 8 kaso ng perjury

Leifbilly Begas - February 28, 2020 - 03:51 PM

PINAWALANG-sala ng Sandiganbayan Second Division si dating Philippine National Police chief Alan Purisima sa walong kaso ng perjury kaugnay ng hindi umano pagdedeklara ng lahat ng kanyang yaman sa kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Nang basahan ng sakdal ay naghain ng not guilty plea si Purisma sa kasong paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code.

Pinawalang-sala si Purisma sa kabila ng naunang desisyon ng korte na nagbasura sa demurrer to evidence na inihain ng dating PNP chief na nagsasabing may batayan ang kasong isinampa ng prosekusyon.

Hindi umano idineklara ni Purisima ang kanyang ari-arian at ari-arian ng kanyang misis na si Maria Romana sa SALN nito mula 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.

Si Purisima ay sinibak sa serbisyo ng Ombudsman kaugnay ng kontratang pinasok nito sa delivery ng mgs lisensya ng baril noong 2011.

Siya ay sabit din sa Mamasapano incident dahil sa pagganap umano ng papel ng PNP chief kahit suspendido ito noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending