Vaping pormal nang ipinagbawal sa EO ni Duterte | Bandera

Vaping pormal nang ipinagbawal sa EO ni Duterte

- February 28, 2020 - 03:43 PM

MATAPOS na ipag-utos ni Pangulong Duterte noong Nobyembre ang paggamit ng e-cigarette sa pampublikong lugar, pormal nang ipinalabas ang Executive Order 106 na nagba-ban sa vaping at maging ang paggawa at distribusyon ng mga hindi rehistradong produkto.

Pinirmahan ni Duterte ang EO 106 noong Pebrero 26.

Inatasan din ang lahat ng e-liquids, solutions ng Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) o heated tobacco products (HTPs) na magparehistro sa Food and Drug Administration (FDA).

“Other novel tobacco products shall be regulated in accordance with RA NO. 9211 and other relevant issuances, and are subject to the jurisdiction of the Inter-Agency Committee-Tobacco (IAC-T), established under the said law,” sabi ng EO 106.

Sa ilalim ng ng EO 106, bawal ang vaping sa mga pampublikong lugar.

Nauna nang ipinagbawal din ni Duterte sa ilalim ng EO26 ang paninigarilyo sa buong bansa.

Inatasan ang mga establisimyento na maglaan ng to smoking at vaping area.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending