Sylvia nag-sorry kay Joey, 14 sampal sa 'Pamilya Ko' tinotoo | Bandera

Sylvia nag-sorry kay Joey, 14 sampal sa ‘Pamilya Ko’ tinotoo

Bandera - February 28, 2020 - 01:00 AM

JOEY MARQUEZ AT SYLVIA SANCHEZ

ALAM n’yo ba na hindi rin madali para kina Joey Marquez at Sylvia Sanchez ang madadrama nilang eksena sa Kapamilya series na Pamilya Ko.

Dahil nga matagal nang magkaibigan ang dalawang seasoned actors, may mga pagkakataon na nakakailang take sila sa kanilang drama moments dahil tawa sila nang tawa. May mga eksena pa nga raw sila na bigla na lang hahagalpak si Ibyang dahil sa mukha ni Tsong.

In fairness, bentang-benta talaga sa manonood ang tambalan nina Joey at Sylvia. Talagang inaabangan ng madlang pipol ang mga pasabog nila sa bawat episode, lalo na kapag naglalambingan na sila at naghaharutan.

Pero para sa ilang manonood, gustung-gusto nila kapag inaaway ni Ibyang si Tsong with matching sampal at titig na nakamamatay. Kuwento ng award-winning actress, mahirap din ang mga ganap niya bilang palaban at mapagmahal na ina sa Pamilya Ko.

Sa nakaraang guesting nga nina Joey at Ibyang sa Magandang Buhay kamakailan, binalikan nila ang eksenang sinampal ni Luz (Sylvia) ang nangaliwang asawa na si Fernan (Joey). Imagine, umabot pala ito sa 14 sampal!

Sinubukan daw ng aktres na dayain ang sampal, pero ayon sa kanilang direktor kailangang totohanin niya ito at dagdagan pa ng dalawa.

“Kasi di ba, may eksenang nahuli ko na siya, sa isang room yon. Yun yung sinabi ko sa kaniya kung totoo ba, tapos umamin siya. So sinampal ko siya doon nang isang beses.

“Hindi ko pinalapat (buong kamay) kasi kapag nilapat ko, ang lakas kong manampal kasi spiker ako sa volleyball, e. So dinaya ko, e nakita ni direk. Sabi niya, ‘Nandadaya ka. Gusto ko ibigay mo’, o e, di ibinigay ko nang isang beses.

“Sabi ni direk, bumulong ‘Sampalin mo nang tatlong beses pero wag mong sabihin’, so wala siyang alam. E, ilang anggulo yon, so umabot talaga ng katorse,” natatawang kuwento ng aktres.

Nag-sorry naman daw siya agad kay Joey after ng take, “Sabi ko pa, ‘Tsong sorry talaga, trabaho lang walang personalan.’ Sabi niya, ‘Hindi, sanay na ako, e.’ Ilang beses na raw silang nasampal sa totoong buhay.” Aniya, ang anak niya sa serye na si JM de Guzman ang nagsabi sa kanya na “nagsumbong” sa kanyang ang komedyante sa lakas ng sampal niya.

“Ang mahirap nu’n, sinampal na niya ako, sinampal pa ako ni Irma (Idlawan), sinampal din ako ni Rosanna (Roces). Sampalan lang kami nang sampalan doon,” hirit naman ni Joey. At dahil sa eksenang ‘yun, talagang umariba ang rating ng Pamilya Ko at hanggang ngayon ay top-rating pa rin ito.

Napapanood pa rin ang Pamilya Ko sa Primetime Bida ng ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bukod sa pagiging hands-on mom tuloy pa rin ang pagtutok ni Ibyang sa kanyang Sylvia Sanchez by Beautederm na patuloy na humahataw ngayon na matatagpuan sa 68 Roces Avenue, corner Sct. Reyes St., Quezon City. Mapapanood din siya sa comeback movie ni former Sen. Jinggoy Estrada na “Coming Home” at anytime soon ay baka magkaroon na rin ng regular treatrical run ang kanyang pelikulang “Jesusa”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending