Sino kina Marco at Tony ang jojowain o totropahin ni Lovi? | Bandera

Sino kina Marco at Tony ang jojowain o totropahin ni Lovi?

Bandera - February 28, 2020 - 12:55 AM

MARCO GUMABAO, LOVI POE AT TONY LABRUSCA

NAG-REACT ang British boyfriend ni Lovi Poe sa ipinost niyang video sa Instagram kung saan makikita ang love scene nila ni Tony Labrusca sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” under Viva Films.

Mismong si Lovi na ang nagsabi sa nakaraang presscon ng movie na matindi ang laplapan at sex scene na ginawa niya kasama si Tony at sa isa pa niyang leading man sa pelikula na si Marco Gumabao.

Kaya nang mapanood ng kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe ang nasabing video, hindi nito napigilan ang mag-comment.

“Well seems long distance is working out well,” sey ni Monty. Na sinagot naman ni Lovi ng, “I mean you spend days in your lab. Mine’s this.”

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at going strong pa rin sa kabila ng kanilang long-distance relationship. Kapag walang masyadong trabaho si Monty bilang writer-producer at medical scientist sa America, nagkikita sila ni Lovi sa ibang bansa para doon mag-bonding at bumawi sa isa’t isa.

Sa presscon ng “Hindi Tayo Pwede”, tinanong si Lovi kung sino kina Marco at Tony ang jojowain at totropahin niya, “Mahirap because parehas silang silang may qualities na totropahin at jojowain. Ang hirap. They’re both ano, eh… it’s hard to say. I can’t really choose because parang they both have the qualities na puwede sa isang relasyon.”

“I think, just how respectful they are, hindi lang sa akin kundi sa mga katrabaho na kasama namin sa set. Do’n mo kasi makikita if that person is not just nice to you but nice to everybody at hindi nagpapakitang tao, genuine lang talaga. So, just the fact that they’re very respectful to everyone and also they’re very driven, mahirap mag-decide,” aniya pa.

Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ang “Hindi Tayo Pwede” dahil nga trailer pa lang ay pasabog na. ito’y mula sa panulat ng award-winning scripwriter na si Ricky Lee, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ito ang kwento ni Gabby o Gab (Lovi) na na-in love sa binatang may kaparehas ng kanyang pangalan (Tony) at may matalik na kaibigan na si Dennis (Marco). Malapit nang ikasal sina Gab at Gabby, ngunit biglang mamamatay si Gabby. Si Dennis ang naging karamay ni Gab hanggang sa may mangyari na nga sa kanila.

Ngunit hindi pa rin nawawala ang presensiya ni Gabby sa buhay ni Gab. Nakikita, nakakausap, at nakakasiping pa rin niya ito. Kapag binuksan ni Gab ang kanyang puso para kay Dennis, maaaring tuluyan nang mawala si Gabby sa kanya. Handa na ba siyang bumitaw? Bibigyan niya ba ng pagkakataon ang sarili na magsimula muli?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Hindi Tayo Pwede” sa mga sinehan simula sa March 4.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending