outbrain

Arjo mas gustong ipaamoy ang kilikili kay Maine kesa paa

February 27,2020
share this

Arjo mas gustong ipaamoy ang kilikili kay Maine kesa paa

February 27,2020
share this

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

SAKSI ang award-winning Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa pambubuhos ng tubig ni Coco Martin sa ilang staff ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Naging bahagi ang binata sa nasabing serye at matagal-tagal din niyang nakatrabaho ang Teleserye King kaya sa nakaraang presscon ng ineendorso niyang Beautederm natanong kung personal ba niyang na-witness ang ganitong mga eksena.

“Yeah! But it’s for fun, so I don’t get the issue,” simulang sagot ng boyfriend ni Maine Mendoza.
Kasama ba siya sa mga nabuhusan ni Direk Coco? “Hindi naman po ako kasama but I witnessed it. It’s for fun.”

Naniniwala rin si Arjo na wala itong issue sa mga katrabaho ni Coco, “No, because these were people he’s been working with for years. Kung ano ‘yung team ni Coco from Juan dela Cruz, binuhat niya all the way to Probinsyano. So they already have a certain working relationship that everyone who went to Probinsyano can attest to it.

“I don’t wanna have issues with anyone, you know but I’m just saying, I’ve witnessed it and I’m speaking of what I actually experienced, it’s for fun, it’s nothing, it’s a joke,” sey pa ni Arjo.

Samantala, tawanan ang entertainment press nang itanong kay Arjo kung naamoy na ba ni Maine ang kilikili niya. Isa kasi sa mga bagong ine-endorse niya sa Beautederm ay ang Spruce & Dash Brawn Anti-perspirant White Spray na pwede sa paa at underarms.

Sandaling natigilan si Arjo at sinabing last year pa raw siya gumagamit ng nasabing deodorant. ­Kaya sundot na tanong kung ano na lang ang mas gusto ­niyang ipaamoy kay Maine, ­kilikili o paa? Natigilan uli siya sabay sabing, “Kilikili na lang siguro.” Confident naman daw siya sakaling maamoy nga ni Maine ang kanyang kilikili at paa.

* * *
Bago si Arjo, nauna munang humarap sa press si Carlo Aquino bilang endorser din ng Spruce & Dash ng Beautéderm ma isang patented line of amazing products for men.

Sa nasabing mediacon, napag-usapan ang sinabi ng kanyang ex-girfriend na ni Angelica Pa­nganiban na ayaw muna nitong makatrabaho siya. Okay lang naman sa kanya na gumawa uli siya ng pelikula o serye ng aktres pero worried lang siya sa violent ­reactions ng mga tao.

“Hindi ko pa alam kung gugustuhin nila ‘yun or may mga violent reactions pero sa tingin ko ay okay naman, pero hindi pa siguro sa nga­yon,” ani Carlo.

Sa nasabing event, nasabi rin ng Pre­sident at CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na na-consider din si ­Angelica bilang ambassador pero hindi raw pwede that time ang Hugot Queen. Aniya, sa lahat ng naging leading lady ni Carlo ay si Angelica ang pinaka-favo­rite niya dahil kinalakihan din niya ang tambalang CarGel.

Civil naman daw sila ni Angelica sa isa’t isa at nagsasabihan din ng “hi-hello” kapag nagkikita sa mga events. Naging kontrobersyal ang dalawa nang aminin ni Angelica na pinaasa lang siya ng aktor na pwede pa silang magkabalikan.

Wala raw siyang galit sa kanyang ex-GF, “Kasi, matagal na rin naman kaming magkakakilala, eh, so okay lang naman.” Umaasa rin siya na magbabalik din ang friendship nila ng dalaga, “Oo, kasi ­sayang, eh, ‘di ba? ­Totoong tao rin naman si Angge, mabait. So, kahit ‘yung ­friendship.”

Samantala, inamin ni Rhea Tan na lucky charm ng Beautederm si Carlo at saludo siya sa loyalty at dedication nito bilang isa sa mga original nilang ambassador. At ngayon nga ay binigyan na niya ito ng sariling men’s line kasama si Arjo, ang Spruce & Dash.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibila­ngan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang everyday grooming, kabilang na ang charcoal soap, shaving cream, anti-perspirant spray, detoxifying peel off mask and hair pomade. For inquiries, follow n’yo lang ang @beautedermcorporation sa Instagram, Facebook at YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending