Carlo balak pakasal sa tuktok ng bundok; Rhea Tan nangakong sasagutin ang wedding
MAY handa nang mag-sponsor sa wedding nina Carlo Aquino at Trina Candaza sakaling mag-decide na silang bumuo ng sariling pamilya.
Sa solo presscon ni Carlo para sa renewal ng kanyang contract bilang ambassador ng Beautederm, nag-volunteer na ang may-ari ng kompanya na si Rhea Anicoche-Tan na siya na ang sasagot sa reception at sa iba pang kakailanganin sa kasal.
Ayon kay Ms. Rei, willing siyang maging ninang sa wedding ni Carlo at ng model girlfriend nitong si Trina.
“Kung gusto mo, akin din ‘yung reception, lahat. Para sa ‘yo,” pahayag pa ng matagumpay na negosyante sa media launch ng Spruce & Dash, ang bagong produkto ng Beautederm na ineendorso nga ni Carlo.
Dagdag pang mensahe ni Ms. Rhea kay Carlo, “Whatever makes you happy, andito lang si ate and kuya (husband niya) mo for you. Mahal na mahal ka namin.”
Inamin ni Carlo na overwhelming ang trust at pagmamahal sa kanya ng Beautederm at first time raw niyang magkaroon ng solo presscon.
Sey ni Ms. Rhea, ayaw daw talaga ng award-winning actor na magpa-presscon dahil nahihiya ito. “Thank you, kasi nag-appear siya. Minsan hindi ‘yan naga-appear sa presscon,” sey pa ng President and CEO ng Beautederm.
Pagkatapos ng Q&A ay natanong si Carlo kung naiisip na ba niyang magpakasal, “Siyempre, oo. Siyempre, nasa tamang edad na rin ako, 34 na ako. Titingnan natin sa mga susunod na ano, na buwan, taon?”
Sundot na tanong sa binata, sakaling magdesisyon silang magpakasal ni Trina, isi-secret din ba nila ito tulad ng ginawa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
“Hindi naman isinikreto, hindi lang na-inform ang mga tao,” natatawang sagot ni Carlo.
Pero para sa aktor, natagpuan na niya ang the one sa katauhan ni Trina at sana’y sa kasalan na rin mauwi ang kanilang relasyon, “Oo. Final answer!”
“Nag-iba ‘yung outlook ko siguro sa buhay, mas magaan, happy,” aniya pa. More than one year na sila ni Trina and going strong pa rin.
Hindi rin daw totoong engaged na sila at hindi pa niya alam kung magpo-propose na siya anytime this year. At kung siya ang tatanungin, feel niya ang magpakasal sa tuktok ng bundok dahil love na love niya ang nature.
Samantala, proud na proud si Carlo bilang endorser ng Spruce & Dash na isang patented line of amazing products na dinivelop at nilikha para sa mga kalalakihan.
Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibilangan ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming.
Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.
Bilang isa mga pinakaabala at sought-after na award-winning young dramatic actor, bahagi si Carlo ngayon ng ensemble cast ng ABS-CBN primetime series na sa A Soldier’s Heart kung saan ginagampanan niya ang papel ni bilang si Abraham “Abe” Kamlun. Ayon kay Carlo, mahalaga na alagaan niya ang kanyang balat at personal na hygiene dahil sa kanyang very hectic schedule.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.