Xander Ford: Wala akong ginawang masama para bastusin mo
Grabeng panglalait ang inabot ni Xander Ford sa isang lady fan named ChiChay Mariano.
Nakipag-meet si Xander kay ChiChay at siyempre may selfie moments silang dalawa.
Nagulat na lang si Xander when the lady fan posted their photo with this caption, “Ang pangit mo pala lalo sa personal sayang binayad ko sa Angkas nagmamadali pako. Hahahaha.”
Of course, Xander was badly hurt by the caption. Ikaw ba naman ang laitin, wouldn’t you be hurt? Sinagot ni Xander ang panglalait sa kanya ng lady fan.
“Ikaw yung taong nirespeto ko nung gabi nag live pa tayo habang binabatok batukan mo ako.
“Ngyari ito last night, nasa tabi ko ng mga kaibigan ko tahimik tinawag nya ako at nakiusap sa kaibigan nya na kaibigan ko ding si @amanda page or mas kilalang Tina muran, sobrang umasa sya na makalapit ako sa kanya with @jam morales kakilala nya din ata.
“Sobrang happy nila at happy ko din sa picture namin nuon. Tapos ganuon pala yung way nya magpapa picture at i babash ka sa facebook hindi ko alam kung dahil gusto nya sumikat or galit talaga sya sa kain.
“First of all ate Beks Wala ako ginawang masama sayo pinuntahan ko kayo sa lugar nyo ng walang kapalit makita nyo lang ako. Tapos ganyan babastusin nyo po ako. Pero salamat padin. Sana wag sayo mang yari ang ginawa mo sa akin.”
In return, nilait ng fans ni Xander ang lady fan. Any comment, ChiChay Mariano?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.