Dasal ni Coco: Sana’y wag nang mag-away-away ang bawat Pilipino | Bandera

Dasal ni Coco: Sana’y wag nang mag-away-away ang bawat Pilipino

Ervin Santiago - February 25, 2020 - 12:44 AM

KAHAPON nagsimula ang pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na issue ng ABS-CBN franchise renewal na dinaluhan ng mga top executives ng Kapamilya Network.

At bilang pakikiisa sa isinasagawang Senate hearing, muling ibinandera ng ilang Kapamilya stars ang kanilang pagsuporta sa laban ng network, kabilang na riyan si Coco Martin at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Nag-post si Coco ng litrato ng name tags ng mga ABS-CBN executives at legal counsels na dumalo sa Senado, naroon sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Chairman Martin Lopez at Cory Vidanes, ang Chief Operating Officer ng istasyon.
Ibinahagi rin ng Teleserye King ang ginawang pagtitipon ng mga empleyado ng ABS-CBN sa loob ng compound na tinawag nilang Walk Of Faith.

Ayon kay Coco, patuloy silang magdarasal para hindi maipasara ang ABS-CBN at sana’y mabigyan uli ito ng panibagong 25-year-franchise.

Caption ni Coco sa kanyang IG post, “Panginoon samahan nyo po sana kami sa laban na ito. para po sa aming mga manggagawa ng ABS CBN nakaparami pong mawawalan ng trabaho.

“Alam ko po na hindi nyo hahayaan manaig ang mga bagay na hindi magiging maganda ang idudulot para sa nakakarami.

“Sana po ay wag na mag away away ang bawat Pilipino lalo na ang pagpapalitan ng mga hindi magagandang salita.

“Pinauubaya na po namin sa inyo ang lahat Panginoon,” mensahe pa ng award-winning actor.

Last Friday, personal ding pinagunahan ni Coco kasama ang iba pang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang ginanap na prayer rally sa paligid ng ABS-CBN.

Samantala, dumalo rin ang mag-asawang Regine at Ogie sa Walk of Faith ng mga ABS-CBN employees kahapon ng umaga.

Nag-perform sila sa harap ng kanilang mga kapwa Kapamilya kasama ang magaling na composer at music arranger na si Louie Ocampo.

“This morning wifey and I together with sir Louie Ocampo and all our kapamilyas sang together a song of thanksgiving. #salamatkapamilya,” caption ni Ogie sa kanyang IG post.

Nakiisa rin sa pagtitipon sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, JM de Guzman, Joey Marquez at marami pang iba. Hiling din nila na sana’y maaprubahan na ang bagong prangkisa ng ABS-CBN.

* * *

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahapon sa unang araw ng Senate hearing para sa renewal ng ABS-CBN franchise nagpahayag din ng suporta si Sen. Manny Pacquiao sa network.

“Kung anuman violation nila, kasuhan sila. Pero hindi naman siguro mapupunta dun sa closure—sa akin lang ha, in my opinion—sa closure ng station, malaking kawalan ito sa buong sambayanan ng Pilipino,” sabi ng Pambansang Kamao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending