Navymen nagdomina sa Stage 5 ng Ronda | Bandera

Navymen nagdomina sa Stage 5 ng Ronda

- February 27, 2020 - 04:04 PM

ITINAAS nina Stage 5 winner John Mark Camingao, Ronald Oranza, Junrey Navarra, El Joshua Carino, Ronald Lomotos at George Oconer ang kanilang mga kamay matapos na sabay-sabay na dumating sa finish line. Ang anim na kataong grupo na dumating sa finish line ay mga miyembro ng Standard Insurance-Navy

PINATUNAYAN ng Standard Insurance-Navy na kaya pa rin nilang mamayagpag matapos dominahin ang Stage Five kung saan ang anim sa mga riders nito na pinamunuan ni George Oconer ay sabay-sabay dumating sa finish line para maagaw ang kalamangan sa halos lahat ng kategorya sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race Huwebes.

Pinagharian ni John Mark Camingao ang 122.6 kilometrong stage na nagsimula sa Lucena City at nagtapos sa harap ng kapitolyo sa Antipolo City. Sinundan naman siya nina 2018 Ronda king Ronald Oranza at ang ilang beses na tinanghal na King of the Mountain na si Junrey Navarra.

Kasama rin sa grupong naunang dumating sa finish line sina El Joshua Carino, Ronald Lomotos at Oconer na naorasan ng tatlong oras, 12 minuto at 50 segundo sa 10-stage race na hatid ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Nagawang kumawala ng Navymen sa simula pa lamang ng unang eight-kilometer mark sa Lucban, Quezon at pinanatili nila ang kapit sa pangunguna hanggang sa finish line kung saan sinalubong sila ng maraming tao.

Dahil sa kahusayang ipinamalas ng Navymen, umangat si Oconer mula sa ikalawang puwesto sa general individual classification race tungo sa unang puwesto sa natipong oras na 17:54:13.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending