Mr. President balik na naman mga pushers at adik sa Metro | Bandera

Mr. President balik na naman mga pushers at adik sa Metro

Jake Maderazo - February 24, 2020 - 12:15 AM

ANG random na pagkakahuli sa pitong jeepney driver sa Makati na positibo sa shabu ay isang “eye opener”na talamak muli ang suplay at bentahan ng ilegal na droga.
Nauna rito, sinagasaan ng sabog na driver suspect na si Crizalde Tamparong ang mga estudyante sa pedestrian lane na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng anim na iba pa.
Bukod dito, sabog din si Eleazar Lumawag, truck driver na pumatay sa isang mag-ina, 12 sugatan sa Tungkong Mangga, San Jose Del Monte nang araruhin ang mga sasakyan at bahay doon.
Napanood niyo rin marahil ang video ng pamamaril ng isang adik sa tindero ng pares sa Baseco compound, Tondo. Nanisi pa ang suspek dahil hindi raw binigay agad ang hinihingi niya.
Naalala ba ninyo yung dalawang senior citizens na mag-asawang Ollano sa Brgy Commonwealth, Quezon City na napatay?
Pati mga pulis, mga adik na rin, isang police lieutenant at staff sergeant ng NCRPO, ang nagpositibo rin sa droga, ayon mismo sa PNP random drug test.
Saan kumukuha ng suplay ng shabu ang mga truck driver, Makati jeepney drivers, holdaper at akyat bahay na ito? Tila talamak na naman ang bentahan ng shabu at wala na namang takot ang mga small time pushers.
Kung susuriin, mga simpleng tao, pati kabataan na ang nahuhuling nagtutulak at nahuhulihan ng milyun-milyong pisong halaga ng shabu.
Nitong Sabado, isang saleslady at dalawang kakuntsaba sa Novaliches ang nakunan ng P3M halaga ng shabu sa isang convenience store. Sa Muntinlupa, P3.4M ang nahuli sa Lakefront mula sa dalawang pusher.
February 20, meron na ngayong “injectable shabu” sa 26 syringes na nahuli sa dalawang kabataang suspect sa Brgy Highway Hills, Mandaluyong city.
February 17 sa Taguig, P2.9M na shabu ang nahuli sa pitong suspect.
February 11, dalawang Nigerian nationals na merong P68M shabu ang nahuli sa Amoranto Complex sa QC.
February 5, apat na suspects, kasama ang isang estudyante ang nahulihan ng P10M shabu sa Brgy Tugatog, Malabon
February 3, Sa Bgy Palanan, Makati, lima ang inaresto, kabilang ang tatlong babae sa P1.3M shabu.
February 2, isang Thai drug mule nahuli sa NAIA na may dalang P28M shabu.
January 29 sa Tala, Caloocan, P8M shabu ang nakuha sa isang 23 anyos na pusher, at
January 30 sa Navotas, dalawang menor de edad ang nahulihan ng P2.7M sa Bgy Tangos north.
Isipin ninyo, mga kabataan itong nagtutulak ng P8M at P2.7M, talagang tumitindi na naman ang “demand” ng suplay ng shabu sa mga kalsada na pati siguro Facebook, Twitter at social media ay ginagamit.
At dahil “easy money” at parang tumigil na ang pagpatay ng mga anti-drug vigilantes o mga pulis sa mga drug pushers, balik na naman sila sa negosyo.
Hindi rin ako magtataka kung sangkot na rin ang mga pulis na pinapayagang makalaya ang kanilang mga nahuhuling mga pushers. Dapat non-bailable ito pero marahil sinasadya na namang maliit ang kanilang mga report o hinaan ang ebidensya, kaya’t binabasura sa piskalya.
Pero, iba ang epekto nito sa lansangan dahil ang mensahe ay “tuloy na naman ang kanilang pagtutulak ng shabu”. At dahil diyan, hindi ako nagugulat na naka-shabu na naman ang ating mga jeepney driver, truck drivers, mga holdaper at adik sa lansangan.
President Duterte, PNP at PDEA, hoy gising!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending