'Dapat magpasalamat pa si Matteo kay Mommy Divine!' | Bandera

‘Dapat magpasalamat pa si Matteo kay Mommy Divine!’

Julie Bonifacio |February 24,2020
facebook
share this

‘Dapat magpasalamat pa si Matteo kay Mommy Divine!’

Julie Bonifacio - February 24, 2020 - 12:30 AM

OBVIOUS na marami ang taga-showbiz industry ang nagdiriwang sa pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli (civil wedding) last Thursday.

At sa palagay ng iba, mukhang ang ina ni Sarah na si Mommy Divine lang ang hindi masaya for her daughter. Pinalabas pa ng iba na kontrabida si Mommy D sa pangyayari.

Huwag naman sanang ganyan. Ina pa rin si Mommy Divine. She has her own reasons kung ano ang ginawa niya upon learning na nagpakasal na nga si Sarah kay Matteo.

Naniniwala kami na walang ina ang nag-isip ng masama para sa kanyang anak.

Kahit kami rin naman ‘yan at bigla na lang namin nalaman na mag-aasawa na ang aming anak, aba siyempre, kakaripas din kami ng takbo at aalamin ang pangyayari.

Hindi para maging kontrabida sa kasal kundi para alamin lang kung totoo ba o hindi.

Pasalamat pa nga dapat si Matteo kay Mommy Divine dahil napalaki niya nang maayos at mabuti si Sarah G.

Deebah?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending